Katrina Halili plays her most daring role yet in "Marimar"

IMAGE 0


Katrina Halili plays a seductress in Marimar. As Angelika, she has kissing scenes with both Richard Gomez and Dingdong Dantes.



Itinanggi ni Katrina Halili na may nangyari sa kanila ni Boy2 Quizon gaya ng kumalat na hate email mula sa anonymous sender.

Kaibigan at co-star ni Katrina sa Lupin si Boy2. Hindi raw naniniwala ang sexy young actress na ipagkakalat ng young comedian na natikman na niya si Katrina. Isa sa mga matalik na kaibigan ni Katrina si Boy2 at alam niyang hindi nito magagawa ang gano'ng kabastusan.

Hindi rin daw totoong magka-jamming sila ni Boy2 sa pagda-drugs sa taping ng Lupin. Halos hindi na raw siya natutulog kaya baka ikamatay na niya kapag nagdroga pa siya. Wala rin daw siyang nakikita na kahit sinong nagda-drugs sa set ng Lupin.

ANOTHER VILLAIN ROLE. Hindi rin daw masama ang loob ni Katrina na ang papel ni Angelika ang napunta sa kanya, instead na si Marimar na ginagampanan ni Marian Rivera. Isa si Katrina sa inimbitahan ng GMA-7 management na mag-audition para sa role na Marimar.

"Una po sa lahat, hindi naman po talaga ako pupunta ng audition. Kasi sabi ko po sa handler ko, hindi naman po ako makukuha diyan, kaya ayoko. Hindi na ako mag-aambisyon na mag-Marimar, pero sobrang gusto ko po 'tsaka favorite ko talaga ‘yung Marimar.

"Pero sabi ko, ayoko talaga kasi hindi naman ako makukuha. Tapos sabi nila, ‘Sige na, pumunta ka.' Tapos sabi ko, ‘Sige na nga, wala namang mawawala sa akin.' Pumunta po ako. Pero hindi ko naman inambisyon na mapupunta sa akin, so wala naman po sa akin ‘yon kahit hindi ako ‘yung napili," lahad ni Katrina.

Kuntento ba siya sa role na napunta sa kanya?

"Siyempre, kuntento naman po ako kung ano ibinigay sa akin. Since naman nung matapos ‘yung StarStruck, magaganda ‘yung mga ibinigay sa akin na mga roles."

Pang-anim na primetime series na ni Katrina ang Marimar sa GMA-7, pagkatapos ng Forever In My Heart, Darna, Majika, Atlantika, at Lupin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOST DARING ROLE. Pinaka-daring ang role daw ni Katrina sa Marimar. Bilang asawa ni Renato Santibanez, played by Richard Gomez, tadtad daw ng kissing scenes ang mga eksena nila.

"Parang tuwing taping, ang dami po!" bulalas ni Katrina. "Tsaka totoo ‘yung sinasabi ko kay Direk Joyce Bernal pag nagba-block siya. ‘Naku, Direk, hindi ko yata magagawa ‘yan!' Kasi ako talaga ‘yung nagti-tease sa kanila, ako ‘yung magti-tease kay Dingdong, tapos iki-kiss ko siya. Tapos kay Richard, ganun din po. Parang ang hirap naman, salitan!

"Kasi po, asawa ko si Mr. Richard Gomez. Tapos si Dingdong, palagi ko siyang pini-flirt, na parang layuan na niya si Marimar, tapos iki-kiss ko siya. Tapos makikipag-kiss din si Dingdong dahil mahal niya ako, ganun," kuwento pa niya.

After Lupin, may Marimar siya agad. Hindi ba siya burned out?

"Actually, two weeks po na straight ako every day. Seven a.m. ang Lupin, tapos late na ako sa Marimar. Ngayon lang ako medyo nakapagpahinga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN