Marian Rivera puts all her energy into acting career

IMAGE 0


"Sa Marimar pa lang nga po, talagang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Mag-iisip pa ba ako ng iba? Ito muna, career muna," says Marian Rivera.



Diretsuhang sinabi ng itinuturing na isa sa next big star ng GMA-7 na si Marian Rivera na ang love life, kahit ang pag-e-entertain lang ng manliligaw, ang pinaka-least sa priority niya.



Kaya biglang napasandal sa upuan si Marian nang may nagbanggit ng pangalan ni Mark Herras. Another Kapuso star na matagal din namang na-link sa kanya at tahasang inamin noon na manliligaw nga niya.



May kumakalat kasing balita na tila nagpaparamdam muli si Mark sa kanya. Gaano nga ba ito katotoo?



"Actually, okay naman kami ni Mark," pauna ni Marian. "Hi and hello, kumusta. Pero ganoon lang. Siyempre, kung minsan naman, kapag tumatawag siya, tipong, ‘O, kumusta ka na?' Pero ganoon lang. Kasi magkasama naman po kami ni Mark sa ginagawa naming movie, ang Bahay Kubo sa Regal."



Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung sakali bang muling manuyo sa kanya si Mark ay papayagan niya ang binata?

"Ay, trabaho muna ako ngayon!" sagot niya. "Sa trabaho kong ito, e, napakasarap na ng buhay ko. So, wala na muna ko sigurong dapat intindihin na manliligaw or love life."



Kaya ba niyang deadmahin kahit wala munang manliligaw?



"Oo naman po!" mabilis niyang tugon. "E, sa Marimar pa lang nga po, talagang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Mag-iisip pa ba ako ng iba? Ito muna, career muna."



Super loaded daw ang schedule ni Marian. Tatlong araw niya ay dedicated sa pagte-taping ng Marimar, bukod sa out-of-town shows na inaabot ng umaga. And another three days naman daw ay nakalaan sa pagsu-shoot niya ng dalawang pelikulang ginagawa ngayon—ang Bahay Kubo at Desperadas.



Bukod-tanging ang araw lang ng Linggo ang hiniling niya na maging bakante para magawa pa rin niya ang iba pang gustong gawin outside work. Though, may mga Sundays na alam niya na kailangan din niyang mag-work, tulad ng live guesting sa SOP or other Kapuso shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN