Jennylyn Mercado meets with GMA Artist Center head

by Dinno Erece
Aug 9, 2007
GMA-7 reassured Jennlyn Mercado that they will still take care of her, despite the rift between the Kapuso Network and her manager.


Kaninang alas-tres ng hapon, August 9, ang meeting ni Jennylyn Mercado, her mother Mrs. Lydia Mercado, and possibly Becky Aguila's lawyer Joji Alonso-Antonio, with the head of GMA Artist Center na si Ida Henares.

Gustong ipaalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) source, a production unit manager of GMA-7, na contrary to earlier reports, hindi na kailangan sa meeting si Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV, dahil artist contract naman ang pinag-usapan.

Again, nagtataka ang aming source kung paano naibabalita agad ito in advance. Not necessarily secret, pero in effect, napapangunahan agad ang puwedeng outcome of the meeting dahil most of the slants being used in the advanced write-ups, kaawaan naman si Jennylyn dahil walang trabaho.

Siniguro ng aming kausap, hindi naman talaga pababayaan ng GMA-7 si Jennylyn dahil isa itong StarStruck winner.

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay nakasabay namin si Mark Herras sa Station 168 Internet Cafe. Ibinalita niya sa PEP na magkakasama silang muli ni Jennylyn for a special number sa Showbiz Central this Sunday, August 12. Ibinalita na raw sa kanila na may reunion ang lahat ng talents ng Artist Center sa Sunday para sa fourth anniversary ng talent arm ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Jennylyn, being part of GMA Artist Center, will not be disregarded and her partnership with Mark will be one of the highlights of the presentation. Balitang may song number ang dalawang ex-couple.

Ito ang first appearance ni Jennylyn sa Kapuso Network after two weeks. Huling napanood ang first StarStruck Ultimate Female Survivor sa SOP two Sundays ago.

Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado, Mark Herras
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 reassured Jennlyn Mercado that they will still take care of her, despite the rift between the Kapuso Network and her manager.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results