Ehra Madrigal signs two-year exclusive contract with GMA-7

IMAGE 0


"I'm very happy, overwhelmed, and thankful ako sa GMA for giving me the chance na ipakita pa kung ano pa ang kaya kong gawin. I won't make any promises, basta gagalingan ko anumang trabaho ang ibigay sa akin," says Ehra Madrigal after signing a two-year exclusive deal with the Kapuso Network.



Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA-7 si Ehra Madrigal. Ginawa ang contract signing kahapon, August 8, sa 16th floor ng Kapuso Network.



Present sa contract signing sina Atty. Felipe Gozon (Chairman and CEO), Mr. Jimmy Duavit (EVP and COO), and Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV). Kasama ni Ehra ang manager na si Annabelle Rama sa importanteng phase sa kanyang career.



Before and after the contract signing, ninenerbiyos si Ehra at paulit-ulit na sinabing, "Official Kapuso na ako!" Nag-pay off na raw ang hard work niya at ang three years per-project contract niya sa network.



Tatlong shows ang ibibigay sa kanya; kasama ang Nuts Entertainment, Kamandag, at isa pang show na hindi pa alam kung ano. Kaya magtapos man ang Lupin this week, patuloy siyang mapapanood sa Nuts at aabangan sa Kamandag, kung saan, one of the leading ladies ni Richard Gutierrez ang kanyang role.



"I'm very happy, overwhelmed, and thankful ako sa GMA for giving me the chance na ipakita pa kung ano pa ang kaya kong gawin. I won't make any promises, basta gagalingan ko anumang trabaho ang ibigay sa akin," masayang pahayag ni Ehra.



Malaking blessing para kay Ehra ang two-year exclusive contract na pinirmahan niya at sasabayan pa ito ng pagkuha sa kanya ng Tanduay as their new image model and endorser, after Katrina Halili.



"May maipagmamalaki na rin naman ako kahit papaano," sabi ni Ehra. "In the span of three years, marami na rin akong nagawa at marami pang aabangan sa akin ang tao especially sa 2008. Excited ako sa Tanduay dahil magkakaroon ako ng billboards, TVC, at print ad. I'm so happy!"



EHRA'S OWN CAR.
Ibinalita rin ni Ehra sa PEP na nakabili na siya finally ng sariling sasakyan. Isang brand-new red Innova ang gamit niya sa taping at ibang lakad. Hindi na raw siya magko-commute at hindi na rin daw namin siya makakasabay sa MRT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Two weeks ago ko pa lang nabili ang car ko na matagal kong pinag-ipunan at pinagtrabahuan. With my contract sa GMA, makakabili na rin ako kahit one-bedroom condo lang. Okay na sa akin ‘yon, basta sarili ko," masaya nitong balita.



Hindi makakapagpahinga si Ehra kahit matatapos na ang Lupin dahil mag-a-undergo siya ng martial arts training para sa Kamandag. Magwu-workout din daw siya dahil kahit payat in real life, she looks big sa screen.



May reaction din si Ehra sa kumalat na hate emails laban sa Lupin co-star niya na si Boy2 Quizon, kung saan sinabi raw nitong "natikman" niya ang lahat ng girls sa Lupin.



"Excuse me! Hindi ko nga siya nakakasamang madalas sa taping. Hindi totoo ‘yon at di ako naniniwalang sasabihin ni Dos [palayaw ni Boy2] ‘yun. Mabait at may respeto siya sa amin. Saka ang alam ko, si Katrina ang crush niya. Pero hindi pa rin niya sasabihin ‘yon," pagtatanggol ni Ehra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN