Becky Aguila's talents in "Boys Nxt Door" stay until season's end

IMAGE 0


Charming Lagusad (left) and Justine Plummer (right) will stay until the end of season one of GMA-7's Sunday teen show Boys Nxt Door, contrary to earlier reports that they will be pulled out from the show.



GMA-7 fulfills the show contract of the two Becky Aguila talents, Justine Plummer and Charming Lagusad, in Boys Nxt Door. One-season contract ang pinirmahan ng lahat ng bida sa Sunday teen show ng GMA-7 as it originally was intended to run for 13 weeks only.

The former Eunice Lagusad, a discovery of Ay, Robot! in QTV 11, was given a break in GMA-7's soap opera Bakekang, playing the young Charming. Sumikat nang husto si Eunice sa soap kung kaya't nagpalit siya ng screen name na Charming, starting with her own solo afternoon soap with Kristal Reyes (na nagpalit din ng screen name from Jolina Marie Reyes, dahil siya naman ang lumabas na batang Kristal) na Princess Charming.

Justine is the boy from the shampoo commercial na palaging pinapaalanahan ng kanyang kapatid na "Kuya, germs" hanggang sa lumabas sa bandang ending si German Moreno mismo na kilala bilang si Kuya Germs.

Hindi aalisin, bagkus ay patatapusin ng one season ang mga alaga ni Becky na sina Charming at Justine, who play the younger kids of the show that stars Marky Cielo, Glaiza de Castro, Mart Escudero, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, Stef Prescott, Jesi Corcuera, and Kiko Junio.

"Nagtataka lang kami kung bakit kailangang pangunahan ni Becky ang mga mangyayari sa alaga niya sa show," nagtatakang tanong ni Rams David, ang production manager ng show.

Dagdag pa ni Rams, "May nagbalita na ipu-pull out or tatanggalin agad sina Charming at Justin, when in fact they will go on till the first season finishes.

Week eight na ng Boys Nxt Door ang ipalalabas this Sunday, August 12. Since nagkagulo si Becky at ang GMA-7 over Angel Locsin, nakapag-tape pa rin ang mga alaga niya ng dalawa pang episodes, weeks nine and ten. Nakahanda na rin ang last three scripts kung saan nandoon pa rin ang mga characters nina Charming and Justine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"GMA will abide to the existing contracts of Becky's talents. One season ang pinirmahan nila, one season silang mapapanood," diin ni Rams.

Nagkataon lang na-extend ng another season ang Boys Nxt Door. Panibagong kontrata na ito for everyone from the production staff to the stars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN