Rhian Ramos doesn't consider herself a Kapuso princess yet

IMAGE 0


Rhian Ramos feels flattered that some may think she's a Kapuso princess but, being a newcomer, she says she has to work harder to deserve the title.



Sa hanay ng mga female young stars sa GMA-7, sinasabi na si Rhian Ramos ang isa sa maituturing na prinsesa ng Kapuso network. Kaya naman sa presscon para sa final week ng Lupin kahapon, July 9, ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Rhian tungkol dito.

"Well, flattering," pauna niya. "Pero para sa akin, I mean, sa standards ko... Hindi ko alam kung sino ‘yung nagsabi nu'n. Pero sa standards ko, hindi pa.

"Kasi siyempre, kakasimula ko pa lang, at saka ang laki na talaga ng lamang ng likes nina Iza [Calzado], and you know, all the other stars ng GMA. Parang hindi ko kayang i-include ‘yung sarili ko sa grupo nila for now."

Itinanggi rin niya na nalalampasan na niya sina Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Lovi Poe, at iba pang young female stars sa Kapuso Network.

"Ay, hindi, hindi talaga!" giit niya. "Well, para sa akin, ewan ko...I mean, hindi ko rin alam kung sino'ng nagsabi nun, pero para sa akin, thank you na lang. Pero I think I have a lot more work to do kung gusto ko ‘yung magawa."

MARIMAR AUDITION. Samantala, inamin naman ni Rhian na nag-audition din siya para sa lead role na Marimar.

"Yeah, kasi tinext ako na parang mag-o-audition for Marimar. Tapos ako, parang, you know, siyempre nervous. 'Tsaka alam ko na ‘yung role ni Marimar, e, parang hindi yata ganun ‘yung image ko or something.

"Sabi ko, sige try na lang. Pero sabi ko, ‘Sorry, pero hindi pa ako masyadong comfortable sa katawan ko. So, kung may ipapasuot kayo na [sexy], sorry hindi ko [isusuot],'" kuwento ng young actress na unang nakilala sa fantaserye na Captain Barbell.

Hindi raw niya isinuot ang seksing outfit na ipinapasuot sa kanya.

"Hindi po, pero may na-provide naman na... Kasi I was told na if there's anything I'm uncomfortable with, just say so, siyempre in a nice way, and it'll be okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ‘Sige.' Sa start pa lang, sabi ko, ‘I was told to bring a two-piece today, pero I don't think I'm gonna be able to wear it in front of you, guys. Kasi hindi pa ako comfortable sa ganun.'

"So ‘yung ginawa namin, parang they were like, ‘Ah, no problem, ganito na lang.' ‘Yung parang may skirt, tapos parang may top, pero medyo mataas, parang ganu'n. So, parang decent pa rin. It's just the right amount of being decent and showing some skin," lahad pa ni Rhian.

Ano ang naramdaman niya na hindi siya napili?

"Okay lang," sagot niya. "Kasi para sa akin, I'm not ready for it. Hindi ko naman talaga makakayanan, e."

DJ MO TWISTER. Kumusta na ang relationship niya with her fans? ‘Yung mga nagalit dati sa kanya dahil na-link siya kay Mo Twister?

"'Yung mga nagalit dati, well ‘yon, I never really heard from them again. Pero the ones that stayed, we're planning something for the next couple of months, you know, we wanna hang out muna," sabi niya.

Kumusta na sila ni DJ Mo?

"Okay lang," sagot ni Rhian. "I mean, kasi we stopped joking on the radio already. Kasi parang lahat ng tao, nag-react dun. Parang it just took the fun out of it na parang, ‘Ay hindi na siya nakakatawa!' Parang ganun. Parang nawalan na lang kami ng gana. Yeah, we still talk but not really often. Ganun pa rin."

Nagselos ba siya kay Rufa Mae Quinto nang ma-link ito kay DJ Mo?

"Okay lang, kung anong trip nila!" natatawa niyang sabi. "I don't see naman talaga Mo in a romantic sense, e. Yes, I enjoy having a conversation with him, you know, as well as other people. But wala, it's just I don't see him in a romantic sense. So kung anong trip nilang dalawa, ewan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita ba niya sina Mo at Rufa Mae in a romantic sense?

"Honestly? ‘Yung opinion ko, I don't think they're interested in each other. I mean, well, madalas naman itong nangyayari sa showbiz na, you know, pag boy at girl naging friends, all of a sudden, ‘Ay mag-on sila.' It's blown out of proportion.

"So I think, that's another case, na parang siyempre, they're hanging out now. I mean, it's normal, they work together naman, e. I mean, they should," paliwanag niya.

Bakit nasabi niya na hindi interested sa isa't isa sina Mo at Rufa Mae?

"Well, mapapansin mo naman, e. Because when people are interested in each other, sa tingin pa lang, iba, e. I mean, pag na-observe mo, siyempre medyo semi-regular na ako sa Showbiz Central ngayon, kaya nakikita ko naman the way they react with each other. Yes, they're very friendly. Pero romance, ewan. Ask them na lang," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN