Marian Rivera warned against indecent proposals

IMAGE 0


Marian Rivera says she'll reject indecent proposals outright and that these should be directed instead towards helping needy families.



Hindi kataka-takang marami ang mabighani sa kagandahan at kaseksihan ni Marian Rivera, lalo na sa pagganap niya bilang Pinoy version ng Marimar sa GMA-7.



Tiyak na maraming lalake ang handang mag-alok sa kanya ng kung anu-ano para makuha ang kanyang atensiyon. Handa na ba si Marian sa mga darating na indecent proposals sa kanya?



"Masyado naman yatang maaga ‘yan. Hindi pa nga nagsisimula ang Marimar. Patagalin muna naman nila, di ba?" sabay tawa ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Marimar.



"May mga nag-warn na nga sa akin regarding that. Siguro hindi na ako masa-shock kasi may ganyan naman talaga. Ayoko lang isipin na magiging aggressive sila sa akin. Ayoko rin nang pipilitin ako kasi hindi ko gusto ang ganun.



"Tama na ‘yung makipagkaibigan siguro sila sa akin. 'Yung mga indecent proposals, huwag na lang kasi hindi ‘yan maganda at walang assurance ‘yan na magugustuhan kita. Siguro itulong na lang niya sa mahihirap na pamilya ang anumang iaalok sa akin. Matutuwa pa ako sa kanila."



Kukunan na raw ang first kissing scene nila ni Dingdong sa Marimar na ngayon pa lang ay usap-usapan na. What more kung maglapat ang mga katawan nila? Hindi kaya madala sina Marian at Dingdong sa mga eksena nila?



"Kaloka naman ang tanong na ‘yan! Kayo talaga, may girlfriend si Dong, ‘no! Huwag n'yo kaming bigyan ng idea!" sabay tawa ulit ni Marian.



"Seriously, kami ni Dong, nagtatrabaho lang. We are both professionals. Kung ano ang mapanood nila sa amin sa TV, lalo na mga intimate scenes namin, that is part of the role na ginagampanan namin. Walang malisya ‘yon. Trabaho lang lahat.



"Alam ko ang papel ko bilang si Marimar at ganun din si Dong as Sergio. Kailangan magampanan namin nang maayos ang mga roles na ipinagkatiwala nila sa amin. Kung sa akala nila ay parang totoo, it means na ginagawa namin nang maayos ang trabaho namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kami ni Dong, we respect each other at dapat lang na pagdating sa trabaho, nandoon pa rin ang respeto. We trust our directors Mac Alejandre and Bb. Joyce Bernal. Alam nila ang mga dapat naming gawin at lalabas ‘yon nang maganda at acceptable sa mga televiewers."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN