FIRST READ ON PEP: Mark Bautista moves into his dream house

IMAGE 0


"May naging contribution naman ako sa design ng bahay ko. Like yung spiral railings para sa stairs ng bahay, idea ko ‘yon. Yung ibang furniture din, ako na ang nakaisip ng style," says Mark Bautista about his new house.



Viva Records' Pop Heartthrob Mark Bautista turned 26 yesterday, August 10. Isinabay ni Mark ang kanyang kaarawan sa house blessing ng kanyang bagong bahay sa Don Jose Heights, along Commonwealth Ave., Quezon City.



Proud na proud si Mark sa kanyang two-storey, three-bedroom house na ipinatayo niya sa isang 200-sq. meters corner lot. Produkto ito ng kanyang kasipagan at pagmamahal sa kanyang trabaho sa showbiz.

Last year lang daw sinimulan ni Mark ang construction ng kanyang dream house at nitong January ng taong ito natapos ang paggawa.

"Matagal din ‘yung finishing at ang pagpili ng mga gamit for the house," kuwento ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Tinulungan ako ng kaibigan kong interior designer sa pagpili ng mga furniture at iba pang gamit sa loob bahay.

"'Yung bedroom ko, pina-design ko talaga ‘yon, pati na ang walk-in closet. ‘Yung bed ko, ipina-design ko na parang nasa hotel room ako. May pinagawa nga akong revolving closet. Pinagaya ko ‘yun sa isang closet sa hotel kung saan kami nag-stay noon sa U,S."



IDEAS FROM ABROAD. Half of 2006 ay nag-travel si Mark sa iba't ibang bansa doing series of shows kasama sina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, at iba pang artists kaya marami siyang nakuhang ideas para sa kanyang ipinatayong bahay. Since undergraduate ng Architecture si Mark sa Cagayan de Oro College, may nalalaman din siya tungkol sa pag-design ng bahay.



"May naging contribution naman ako sa design ng bahay ko," sabi ni Mark. "Like ‘yung spiral railings para sa stairs ng bahay, idea ko ‘yon. ‘Yung ibang furniture din, ako na ang nakaisip ng style."



Kumpleto ang pamilya ni Mark noong isinabay niya ang birthday celebration at blessing ng bahay niya. First time daw sila ulit nagkasama-sama.



"Ang makakasama ko lang kasi dito sa house ay ang sister at brother ko. My parents kasi, sa Cagayan de Oro nakatira. Napagawa ko na kasi ‘yung bahay namin doon at may business ang mommy ko doon kaya di puwedeng iwanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kapag may special occasion naman, they fly here to Manila para magkasama-sama kami. Most of the time kasi nami-miss ko sila, lalo na when I go abroad. Kung puwede lang sana, weekly nagkikita-kita kami," pahayag pa ng singer.



SETTLING DOWN. Sino naman kaya ang unang babae na dadalhin ni Mark sa kanyang bahay? Balita noon na ang Pinoy Dream Academy scholar na si Irish Fullerton ang mauuna, pero wala na raw ito sa bansa at bumalik na sa San Francisco, California. Ngayon ay ang Miss Earth-Canada at bagong Viva contract artist na si Rizza Santos ang nali-link kay Mark.



"Magkaibigan pa lang naman kami ni Rizza," diin ni Mark. "Hindi pa kami committed sa isa't isa. Pero gusto ko talaga siya. We do get along and we're okay naman as friends. Kung hahangad pa ako ng higit pa doon, it all depends on Rizza."



Hindi pa raw handang mag-settle down si Mark dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa kanyang buhay. Gusto pa raw niyang mag-ipon para sa isang mas malaking bahay at pagpapatayo ng negosyo. Para rin daw ito sa kanyang magiging future family.



"Right now, trabaho lang tayo nang trabaho. Habang may kumukuha sa atin para kumanta at aliwin ang mga kababayan natin sa ibang bansa, I will do my best to entertain them. Nagpapasalamat ako sa Diyos for all the blessings na binigay niya sa akin at sa pamilya ko. Kaya naman I give back that blessing by doing charity work as well.



"Tuwing birthday ko naman, may pinupuntahan kaming lugar where I spend it with lots of kids. Nagdadala kami ng pagkain at mga regalo. Masarap ang pakiramdam na may ibinibigay ka kesa sa may natatanggap ka," aniya.



Paalis ulit si Mark kasama si Sarah Geronimo for a series of shows sa US starting August 18. Magkakaroon sila ng shows sa Ohio, Nevada, California, Florida, Washington DC, Illinois, New York, at Alaska.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN