Kapuso stars sign exclusive contract with GMA-7

IMAGE 0


Polo Ravales and Diana Zubiri are two of the Kapuso stars who do not have a contract with Artist Center. But GMA-7 decided to sign an exclusive contract with most of the Kapuso stars.



In the aftermath of Angel Locsin's transfer sa ABS-CBN, pinapapirma na rin ng GMA-7 ang mga regular artists na lumalabas sa Kapuso station, Artist Center talent or not.

Dati-rati, mga Artist Center stars lang ang may network contract sa GMA-7 or ang mga malalaking artista, tulad ni Richard Gutierrez na may ibang manager. Nang mawalan pansamantala ng show si JC de Vera, na alaga ni Annabelle Rama, sa Kapuso at napanood siya sa kung ilang shows ng ABS-CBN, binigyan din siya ng contract sa GMA-7.

Nang pumasok sa showbiz ang anak ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., si Lovi Poe, pinapirma rin ito ng isang build-up contract ng GMA-7 at isinalang agad sa dalawang shows—ang last season ng Love to Love at ang Bakekang. In force pa rin ang contract kung kaya't may kasunod nang soap opera si Lovi, ang Zaido.

Si Alfred Vargas naman—dating Star Magic talent at lumipat sa GMA-7 nang nag-sign up siya sa kanyang bagong manager na si Lolit Solis—ay nabigyan na rin ng contract last year after Encantadia. Ang afternoon soap na Muli ang first project niya sa ilalim ng naturang kontrata.

Last week, pumirma na rin ng isang exclusive two-year contract ang isa pang alaga ni Annabelle na si Ehra Madrigal. Ito ay dahil sa magandang showing ng dalaga sa Lupin.

Ngayon, bibigyan na rin ng mga contracts ang iba pang artista na alaga naman ni Manny Valera (kilala rin as DMV).

Magkakaroon ng build-up contract si Jenica Garcia, anak ni Jean Garcia, at introduced sa Impostora soap nina Sunshine Dizon and Iza Calzado. Halos makakasabay sa pagpirma ni Jenica sa GMA-7 ang exclusive movie contract na ibibigay rin sa kanya ng Regal Films, an eight-picture contract.

Si Polo Ravales, bibigyan na rin ng exclusive contract ng GMA-7. Nagsimulang Viva star in a GMA-7 soap, ang Anna Karenina, si Manny ang nag-revive ng kanyang career when he was transformed from a wholesome matinee idol into a hunk actor beginning with the stage play Penis Talk 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinausap na rin ng GMA-7 ang manager ni Diana Zubiri na si Jojo Gabinete, contributor ng PEP. Ipakikilala na sila bukas, August 12, sa Showbiz Central bilang mga tunay na Kapuso stars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN