Zsa Zsa Padilla shrugs off prank on Dolphy and talks about daughters

IMAGE 0


"Sana lang ‘yung mga tao, huwag lang maniniwala agad. Kasi parang ang dali-dali naman manira ngayon through text, e-mails, stuff like that. I mean, it's so it's kinda evil," says Zsa Zsa Padilla (in photo, with partner Dolphy) about bogus text messages.



Nagpatawag ng isang exclusive press conference ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Belo Henares para sa bago niyang produkto, ang Belo Essentials Whitening Products noong August 10.



Sa dinami-dami ng celebrity endorsers ng Belo Medical Group, bukod tanging sina Zsa Zsa Padilla, Lucy Torres, at Regine Velasquez ang napili ng Belo Essentials ni Cristalle to endorse her whitening products, like lotion, body bar, and facial wash.



Sila raw kasi ang pinaka-loyal endrosers ng Belo Medical Group at mapapanood sila sa kauna-unahang TV commercial ng sikat na beauty clinic sa bansa na idinirek ng isa pang anak ni Dr. Belo na si Direk Quark Heneras.



"I think si Regine talaga ang pinakamatagal na endorser ng Belo. I started going to Alabang because I have a cousin who works at the Alabang branch till now. So, ilang taon na ba? Hindi ko na matandaan. Even before I became a model [of Belo]. So siguro, mga two years na sa kanila na ako bago ako naging model," pag-alala ni Zsa Zsa.

May dalawang medical procedures na ipinagawa si Zsa Zsa sa Belo this year. Iyon na lang daw muna for this year since busy na siya sa pagte-taping ng bago niyang show sa ABS-CBN directed by Chito Roño, ang Lastikman na pagbibidahan ni Vhong Navarro.

Happy si Zsa Zsa sa kinalabasan ng TV commercial shoot nila nina Regine at Lucy. Meron bang nag-prima donna sa kanila?

"Sorry to disappoint you, pero wala!" natatawang sagot ni Zsa Zsa.



Wala rin daw nagdala ng microwave oven sa shoot ng commercial.

"Ako, nag-diet talaga. I came from Australia and I didn't eat much," aniya.

NICOLE IN AUSTRALIA. Ano ang ginawa niya sa Australia? Nag-concert ba siya roon?

"No, my daughter Nicole goes to school there now," sabi niya. "So, hinatid ko lang. She's in University of Melbourne which is Trinity College. So, she's taking up foundation studies for a year and then, three years sa Arts in the University of Melbourne."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit sa Australia?

"She really wanted to study abroad kaya lang, if it's gonna be in the US medyo... I mean, at least Australia is like seven hours and a half away... Melbourne [is] seven hours away from Manila. Medyo okay," paliwanag ni Zsa Zsa.

Mag-isa lang daw sa Australia si Nicole.

"Yeah, she's very independent. She's washing her own clothes and stuff like that. She has an apartment, but she shares an apartment with another Asian girl who's 20 years old. Nicole is only 16."

Hindi ba magastos magpaaral ng anak sa ibang bansa?

"It is, but you know, I'm just so happy that Dolphy really provided a trust fund for the college, college fund for them. She's [Niocle] very careful with her money because it's her money. Kumbaga, mas maingat na siya sa paggastos ngayon. Natututo na siya," very proud na sabi ni Zsa Zsa.

What about her youngest daughter Zia?

"Si Zia, actually, studies in an international school, but she doesn't want to go abroad for college. For now, she wants to be a director. She's so much into film, e. She's only in high school, Grade 11. She needs two more years to finish high school."



BAD JOKE. Two days before the presscon, may ilang press people ang nakatanggap ng text message na pumanaw na diumano ang partner niya at Comedy King na si Dolphy. Ano ang reaksiyon ni Zsa Zsa rito?

"I don't know. What is it about? Sino kaya ang gumagawa noon? Wala naman, e, It's not harmful. It's so funny because it didn't even reach us. Sana ipinarating sa amin," nakangiting sabi ni Zsa Zsa.



Hindi na raw siya masyadong naaapektuhan o naalarma kapag may mga ganitong tsismis kay Dolphy.



"Depende, minsan parang pag sobrang wild na, hindi. Sana lang ‘yung mga tao, huwag lang maniniwala agad. Kasi parang ang dali-dali naman manira ngayon through text, e-mails, stuff like that. I mean, it's so it's kinda evil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Actually, walang pumatol. Probably if they received it then my friends... I will be the one texting them," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN