"Pedro Penduko" star Matt Evans invests his money well

IMAGE 0


"Marami na rin ako naibigay sa family ko. Tsaka 'yung investment ko, hindi lang para talaga sa akin. Kapag nag-invest ako, para po talaga sa buong pamilya," says Matt Evans.



Masayang-masaya ang dating production staff ng ABS-CBN at ngayo'y bida na ng fantasy-action series na Pedro Penduko at ang mga Engkantao, si Matt Evans, sa tagumpay ng kanyang show na ngayon ay nasa ikalawang season na sa telebisyon.



"This month, one year na ako sa Pedro Penduko. August kasi nung mag-umpisa akong mag-taping. Pero ‘yung show, umere mga bandang September or October," bungad ni Matt sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Bukod kina Kim Chiu at Gerald Anderson, isa rin si Matt sa nagpatuloy ang magandang career sa showbiz pagkatapos sumali sa Pinoy Big Brother Teen Edition. May naipon na rin siya pagkaraan ng tuluy-tuloy na trabaho ng isang taon sa ABS-CBN.



"Marami-rami na rin po," nakangiti niyang pahayag. "Pero ‘yung family ko talaga ang iniintindi ko. Marami na rin ako naibigay sa family ko. 'Tsaka 'yung investment ko, hindi lang para talaga sa akin. Kapag nag-invest ako, para po talaga sa buong pamilya.

"Tsaka ‘yung sa lolo at lola ko pinapagamot ko sila. Lolo ko diabetic, ‘yung Lola ko naman mild stroke. Pareho ko po silang pinapagamot," kuwento pa niya.



Ayon kay Matt ay nakakaipon naman siya kahit papaano at nagpupundar na siya this early.

"Napagawa ko na rin po ‘yung bahay sa Project 4, tsaka ‘yung bahay namin sa Antipolo, pinapaupahan namin. Tapos ako, kumuha ako ng bahay sa Marikina. Pero tita ko po ‘yung may-ari, inuupahan ko para sa sarili ko," lahad pa niya.

Nagsosolo na ba siya?

"Hindi po," tanggi ni Matt. "'Yung medyo malapit-lapit lang po ng konti. May shortcut po kasi doon papuntang set ng Penduko. Kasama ko ‘yung driver ko. Pero ‘yung Mom ko, every day siya pumupunta sa bahay para tingnan ako kung okay ako. Tapos tumatawag din siya almost every day. 'Tsaka ‘yung kapatid ko, kasama ko rin. Mura lang ang rent, kasi sa tita ko 'yun, e. Parang caretaker nga lang po kami, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MATT'S LOVELIFE. Pinabulaanan din ni Matt ang tsismis na break na sila ng girlfriend niya at ex-PBB Teen Edition housemate na si Olyn Membian dahil kay Melissa Ricks, na ka-loveteam ng young actor sa Pedro Penduko.

"Hindi po, hindi kami nagbi-break," mariin niyang sabi. "Nagulat din talaga ako kasi may nagtanong din sa akin nun. Okay naman, kami pa rin po. One year and two months na kami. Going strong."



Hindi ba nagseselos si Olyn kay Melissa?



"Actually, natutuwa nga po siya kasi ako, kami, tapos si Melissa, kaibigan niya kaya okay lang talaga sa kanya."



Paano nila name-maintain ang kanilang relasyon ngayong madalang na sila magkita since wala na si Olyn sa Pedro Penduko?



"Suportahan lang," sagot niya. "Kasali rin siya sa Ysabella. Kapag wala kaming trabaho, nagkikita kami. 'Tsaka naiintindihan namin ‘yon kasi alam namin na ang showbiz, hindi biro.



"Pumupunta ako sa kanila. Tapos minsan pag walang trabaho, basta walang fixed days. Basta kapag may maluwang na schedule or kahit mga sobrang oras lang.



"Hindi ko nga in-expect na magiging ganito kasaya ang relasyon namin. Hindi ko expected, pero sana tumagal pa at sana more projects pa ang dumating," asam pa niya.



Sa ngayon, one year and two months na ang relasyon nina Matt at Olyn. Last June 5 ang kanilang first anniversary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN