Nikki Gil moves on after breakup with Gab Valenciano

IMAGE 0


"I'm not stupid to get into another relationship right away. I know it's been a while, I know I'm ready for another one, but I don't mind. I'm happier being single," says Nikki Gil who remains single after her breakup with boyfriend Gab Valenciano.



Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anak ni Gary Valenciano na si Gab Valenciano, kinumpirma nito na mayroon na siyang bagong girlfriend. Patunay raw nito na nalampasan na niya ang sakit na dala ng paghihiwalay nila ng girlfriend niyang si Nikki Gil.

Kung si Gab ay nakahanap na ng bagong mamahalin, si Nikki naman ay wala pang nahahanap na makapagpapatibok muli ng kanyang puso.

Nakausap ng PEP si Nikki sa dressing room ng ASAP '07 noong Sunday, August 12. Sinabi ng young singer-TV host na naka-move-on na rin siya sa relasyon nila ni Gab, pero hindi raw siya agad papasok sa panibagong relasyon kung hindi lang niya buung-buo na maibibigay ang oras at obligasyon bilang tunay na girlfriend.



"Definitely, I have moved on," diin ni Nikki. "But I'm a smart person. Siguro naman makikita ng mga tao na di ako tatanga-tanga. I'm not stupid to get into another relationship right away. I know it's been a while, I know I'm ready for another one, but I don't mind. I'm happier being single."

Ano naman ang masasabi ni Nikki na may bago nang girlfriend si Gab?



"To each his own," sagot niya. "Kung ganun ang diskarte niya na di siya mabubuhay na walang girlfriend, wala tayong magagawa dun. Ako, I'm complete and enough of myself, I guess. I have other things to think about. I go to school, Gab has all the time.



"I'll be unfair to whoever I'll get into a relationship with and I won't be able to fulfill my obligation as a girlfriend," dagdag pa niya.

For two months ay regular na mapapanood si Gab sa ASAP '07, kung saan regular co-host si Nikki. Aminado ang dalaga na kahit di na siya nababahala sa presence ng ex-boyfriend sa naturang show, kahit papaano raw ay may kaunting pain siyang nararamdaman every time na nakikita niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Paliwanag ni Nikki, "He's my ex-boyfriend. Hindi ko naman masasabi na tinapon ko na ang lahat ng ‘yon, di ba? But I'm not bothered anymore, di ko na nga siya naiisip. Like I've said, I'm happy, I'm single, I'm graduating, I'm busy. Siya, he's in a new relationship."



"Basta kami, okay kami ni Gab. We say hi to each other, wala namang awkward feeling because everything is okay now."

Nang kinumusta naman namin kay Nikki ang panliligaw sa kanya ni Geoff Eigenmann, sinabi ng dalaga na huminto na sa panliligaw ang young actor.



"Tumigil na, sumuko na rin siya. Napuno na siguro sa akin. We don't talk as much as before and mararamdaman mo naman ‘yon," pag-amin niya.



"Sa akin, we're always be friends. Sa mga friends ko, he holds a special place in my heart but nothing more than that. I know we're better off as friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN