Lovebirds Christian Bautista and Rachelle Ann Go bide time for marriage

IMAGE 0


"Right now, we still need more time for each other. We love each other, no problem. Pero hindi kami talaga nagmamadali na magpakasal. I think for marriage, kailangan talaga super kilala mo na ‘yung partner mo," explains Christian Bautista about settling down with girlfriend Rachelle Ann Go.



Matagal nang naisulat na may gagawing pelikula ang magkasintahan na sina Christian Bautista at Rachelle Ann Go para sa Regal Entertainment. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan ang pelikula.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Christian noong Linggo, August 12, sa ASAP '07. Tinanong namin ang singer-actor kung matutuloy pa ba ang pelikula na pagsasamahan nila ni Rachelle.

"I don't know yet, so I can't give any comment yet," sabi ni Christian.

One-year-and-a-half na ang relasyon nina Christian at Rachelle. Hindi pa ba nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal?

"Well, sometimes kapag may napanood kaming movie na may wedding or pag may narinig kaming wedding song. Pero hindi naman ganoon kaseryoso. We understand naman kasi that we're still young. Twenty-five ako while si Rachelle is only twenty.

"Bata pa kami, e. Pero we love each other very much and our relationship is going strong.

"Right now, we still need more time for each other. We love each other, no problem. Pero hindi kami talaga nagmamadali na magpakasal. I think for marriage, kailangan talaga super kilala mo na ‘yung partner mo."

Sa panahon ngayon, karaniwan na ang pagtatalik ng magkasintahan bago pa man sila ikasal. Pero sa kaso nina Christian at Rachelle, hanggang ngayon daw ay hindi pa sila umaabot sa level na 'yon.

May paliwanag si Christian kung bakit iniiwasan nila ni Rachelle na may mangyari sa kanila.

"Our stand is, we wait for the right time, which is marriage. And I think, it makes it more special if you really wait for the right time rather than gawin ‘yon tapos magsasawa ka agad," paliwanag niya.

Ano ang masasabi niya sa ibang couples na nagsi-sex before getting married?

"My stand is, hopefully they will really wait for the right time, which is when they found the right person, they gonna get married. That's when they do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's also dangerous, e, to play around, to fool around with different people. Hindi mo alam kung anong makukuha mo, e. We're talking about STDs," sabi ni Christian.

Meanwhile, Christian will hold a major birthday concert on October 6 at the Araneta Coliseum titled Christian Inspired. His guests include Sam Concepcion and Gary Valenciano.

"Ang concept ng concert ay ‘yung mga inspirations ko in life like my family, friends, loved ones and above all, God. All of that mixed together in one concert."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN