Jennylyn Mercado promotes "GMA Pinoy TV" in Hawaii this August

IMAGE 0


Despite Jennylyn Mercado's absence in the anniversary special of Artist Center in Showbiz Central and non-appearance in SOP last Sunday, the young actress flies to Hawaii for GMA Pinoy TV and to appear in a cultural show August 17.



Pagkatapos ng meeting last Thursday, August 9, ni Jennylyn Mercado—kasama ang kanyang ina na si Mrs. Lydia Mercado, Becky Aguila's lawyer Joji Alonso, at ang GMA Artist Center head na si Ms. Yda Henares,—isa sa napag-usapan ay ang pagbabalik ni Jennylyn sa SOP after one week, ang special appearance niya sa Showbiz Central kasama ng mga winners ng StarStruck, at ang pagkakatuloy ng Hawaii show nila ni Jonalyn Viray.

Hindi sumipot si Jennylyn sa SOP at Showbiz Central. Ang mga balitang naglabasan, nagkasakit daw at depressed pa rin daw hanggang ngayon ang aktres. Nang nagkausap finally sina Jennylyn at si Jenny Donato, head ng mga handlers sa GMA Artist Center, na-pressure daw pala ang dalaga na sumipot.

Matagal nang plantsado ang Hawaii trip ni Jennylyn dahil promotion pa lang ng Tiyanaks, at bago sila umalis papuntang States for the promotion of Angels ay naikuwento niya na ito sa ilang entertainment press.

Isang client ng GMA Artist Center ang nag-organize ng cultural show showcasing Jennylyn and Jonalyn. August 17 ito naka-schedule sa Farrington Auditorium sa Honolulu. Bukod dito, magpu-promote din ang dalawa para sa GMA Pinoy TV.

Nandoon na sa Hawaii si Jonalyn at ngayong araw, dalawang handlers ang makakasama ni Jennylyn pati na rin si Jenny.

Ayon kay Jenny, naibigay na raw lahat ng papeles kay Jennylyn at sa huling pag-uusap nila, wala nang problema at tutuloy si Jennylyn. Sa August 21 ang balik ng entourage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN