Ruffa Gutierrez happy now but still seeking middle ground with Yilmaz

IMAGE 0


"We want to make things to be done first. Hindi naman lahat ng sasabihin niya o-oo na lang ako. May mga things din naman na gusto ko, hindi naman lahat ‘yon, o-oo siya. So, we have to come to an agreement. We have to meet talaga somewhere in the middle," answers Ruffa Gutierrez when asked about reconciliation with estranged husband Yilmaz Bektas.



Lutang na lutang ang kakaibang aura ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz last Sunday, August 12. Pansin ng marami sa staff ng show ang maningning na mga mata niya at pagkatamis-tamis na ngiti noong hapong iyon, bago pa man ipalabas ang exclusive taped interview ni Boy Abunda sa kanila ng mister niyang si Yilmaz Bektas, na dumating sa Pilipinas last Friday, August 10.

Naging sentro tuloy si Ruffa ng tuksuhan at kantiyawan sa studio.



"Alam mo, kung sa maligaya ako, yes, maligaya ako," bungad ni Ruffa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang dressing room. "Kasi, unang-una, nakikita ko ang mga anak ko na masayang-masaya kapiling ang kanilang ama. And for me, what's first and my priority is my kids. So, I will do anything for them to be happy."

Kuwento ni Ruffa, pagkadating ni Yilmaz sa Pilipinas noong Biyernes ay agad pinuntahan ng kanilang mga anak na sina Lorin at Venice ang ama nila sa tinutuluyan nitong hotel. Nakaplano na rin daw ang mga gagawin nila habang nandito sa bansa si Yilmaz.



"Bukas [Lunes], may taping ako ng Kokey. Si Yilmaz naman, gusto niyang ipasyal ang mga bata. So kagaya kahapon, nag-shopping sila kasama ako. And then, after that, nag-dinner kami at lumabas din kami. So, okay naman. Tomorrow, magsa-shopping sila. Gustong bilhan ni Yilmaz si Lorin ng piano kasi nag-aaral siyang tumugtog ng piano," nakangiting kuwento ni Ruffa.



Dahil okay na ulit sila ni Yilmaz, may posibilidad ba na masundan na ang bunso nila na si Venice?



"Hindi pa, ‘no!" tili niya. "Bawal pa, huwag muna."



May balita na plano ni Yilmaz na sa Spain bumili ng bahay at lupa. Gusto rin daw ni Yilmaz na doon tumira. Totoo ba ito?



"Doon na talaga siya magma-migrate so, yeah, siguro," sagot niya.



Bakit sa Spain?



"Wala, gusto lang niya doon siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nagkabalikan na ba sila ni Yilmaz?



"We want to make things to be done first," sagot niya. "Hindi naman lahat ng sasabihin niya o-oo na lang ako. May mga things din naman na gusto ko, hindi naman lahat ‘yon, o-oo siya. So, we have to come to an agreement. We have to meet talaga somewhere in the middle."



Pagkatapos ng The Buzz noong Linggo, naka-schedule si Yilmaz na pumunta sa isang psychiatrist. Kahit maayos na sila ni Yilmaz, hindi raw tatalikuran ni Ruffa ang kanyang advocacy para sa mga battered women.



Isasama ba niya si Yilmaz kapag bumisita ulit siya sa mga battered women dito sa Pilipinas?



"Hindi ko pa siya tinatanong," sagot ni Ruffa. "I think right now, it's already a big step for him to seek counseling because alam naman ninyo ang mga lalaki minsan, they always think that it is not a problem or ayaw nilang magpunta ng counseling dahil hindi kailangan. So, for him to even like come with me, I think that's already a big step. So, hayaan na muna."



Nasa Cebu ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama nang dumating si Yilmaz. Every year daw talaga ay pumupunta si Annabelle para magdasal sa Sto. Niño Church. Ayon kay Ruffa, this time ay todo-todo raw ang pagdarasal ang ginawa ng Mommy niya roon.



"Mukhang lahat ng santo doon niluhuran ni Mommy!" natatawang sabi ni Ruffa.



Ano ang reaksiyon ng Mommy at Daddy niya na si Eddie Gutierrez sa pagdating ni Yilmaz? Matatandaang nakasamaan din ng loob ni Yilmaz ang mga magulang ni Ruffa noong maghiwalay sila.

"Well, na-shock sila na talagang dumating. Natalo si Mommy sa pustahan namin," natatawang sabi ni Ruffa na ang tinutukoy ay ang pustahan nila ng kanyang ina kung darating ba o hindi si Yilmaz sa Pilipinas.



Are they willing to forgive Yilmaz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko alam. I have to talk with them pa," bitin na pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN