Mark Herras willing to help ex-girlfriend Jennylyn Mercado

IMAGE 0


Young actor Mark Herras is very vocal about his intention to help beleaguered ex-girlfriend Jennylyn Mercado in any way he can. Mark has made known his intention of starring in a project with Jennylyn and her current boyfriend Patrick Garcia (not in photo).



Madalang nang magpunta ang young actor na si Mark Herras sa Station 168 Internet Cafe dahil sa sobrang pagiging abala sa kanyang schedule. Lima ang shows niya ngayon sa GMA-7.

Kasama sa Mga Mata Ni Anghelita na sa Pampanga pa ang taping, tuluy-tuloy pa rin si Mark sa kanyang first solo show na Fantastic Man. Bukod dito, regular pa rin siyang napapanood sa Bubble Gang at SOP. May ilang taping days pa rin siyang natitira para sa kanyang special appearance sa Boys Nxt Door.

Aminado si Mark na hindi na sila nagkakausap lately ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. Alam niya ang sitwasyon ng kanyang ex at naaawa siya rito. Nagpahayag si Mark na handa siyang tumulong sa paraang alam niya.

Bago nagkaroon ng gulo ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila at ang GMA-7, may sariling hindi pagkakaunawaan sina Mark at Jennylyn dahil sa current boyfriend ng young actress na si Patrick Garcia.

Ayaw nina Mark at Jennylyn na magkasama sila sa isang project kung maaari. Mas lalong hindi payag ang dalawa na makasama nila si Patrick. Isa ito sa dahilan kung bakit nawala si Patrick sa Tiyanaks at napalitan ni JC de Vera.

Ngayon daw, payag si Mark na makasama ulit si Jennylyn kung makakatulong ito sa dalaga. Okay na rin sa kanya kung makasama rin si Patrick dahil magkasama naman ang dalawa sa Fantastic Man.

Sa TV, huling nagkasama sina Mark at Jennylyn sa I Luv NY early 2006 pa. Ang mga next projects nila for GMA-7, solo-solo na.

Dapat ay magkasama rin sila sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment ngunit nag-beg off si Jennylyn nang ibigay sa kanya ang leading lady role ni Bong Revilla, Jr. for his own festival entry na Resiklo. Si Marian Rivera ang naging kapalit ni Jennylyn sa Bahay Kubo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN