EXCLUSIVE: Yilmaz Bektas: "I want my family back."

IMAGE 0


"It was a happy moment for the both of us. When we hugged, I can see it in my kids' eyes how happy they are," narrates Yilmaz Bektas of his first meeting with estranged wife Ruffa Gutierrez after six months.



Magiliw na tinanggap ni Yilmaz Bektas ang GMA News at ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang presidential suite sa isang five-star hotel sa Makati para sa isang one-on-one interview.

First time naming na-meet nang personal si Yilmaz. Palabiro ito at magalang kung magsalita.

Kahit may sariling butler, ipinakita niya ang kanyang hospitality. Siya mismo ang nag-alok at nagsilbi ng inumin at prutas sa amin.

Biniro pa namin na masyado siyang pormal sa kanyang coat and tie. Natatawa siyang tumanggi dahil hindi raw pormal sa kanya ang suot niya. Ipinapakita lang daw niya ang respeto niya sa mga manonood kaya't nag-gayak siya nang ganoon.

RUFFA & KIDS. May isang importanteng proyekto na may kinalaman sa construction ang isa sa ipinunta raw ni Yilmaz dito sa Pilipinas. Pero ang pinakamahalaga raw ay ang makita niya ang kalagayan ng kanyang asawang si Ruffa Gutierrez at ang kanilang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Nag-uusap daw sila ni Ruffa ilang araw bago siya dumating dito, pero hindi raw naniniwala ang asawa na darating siya.

Ikinuwento ni Yilmaz kung paano sila nagkailangan ni Ruffa sa unang beses nilang magkita matapos ang halos anim na buwan. Sa description ng Turkish businessman, para raw silang "total strangers" ni Ruffa. Pero matapos ang kaunting panahon, umayos din ang kanilang usapan. Nagyakap din daw sila at ipinaramdam kung gaano nila na-miss ang isa't isa.

"It was a happy moment for the both of us. When we hugged, I can see it in my kids' eyes how happy they are," kuwento ni Yilmaz.

Ayon pa kay Yilmaz, nag-uusap na sila ni Ruffa tungkol sa mga susunod na hakbang na kanilang gagawin.

Naiintindihan daw ni Yilmaz na may ilang kontrata pa ang kanyang asawa na dapat sundin. Nirerespeto niya raw ang mga ito kaya't magiging alinsunod ang ilan sa kanilang mga plano sa kontrata at schedule ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikinig daw siya sa mga sinasabi ng asawa at maayos naman ang kanilang mga pag-uusap.

"Of course, if you ask me, I want my family back," sabi ni Yilmaz.

Dagdag pa ni Yilmaz, na masyadong maikli ang oras na gugugulin niya dito para ma-"win back" niya ang asawa.

WILLING TO CHANGE. Nauna nang nagsalita si Ruffa at sinabi nitong "I still love him [Yilmaz] but he has to change."

"I am now talking to three plastic surgeons and I might color my hair blonde," pabirong sagot naman ni Yilmaz.

Ipinunto niya rin na hindi raw siya magbabago dahil nakatatak na sa kanya ang kanyang personalidad. Pero maaari raw siyang mag-"grow" bilang isang indibiduwal. Kailangan niya raw ang kanyang "strong personality" para sa kanyang mga negosyo, pero ipinapangako niyang magiging mas attentive siya sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Hindi pa raw final ang usapan nila ng asawa. Pero kung gugustuhin daw ni Ruffa, maaari silang tumira sa kanilang tahanan somewhere in Europe, most probably in Spain.

"I want her to live in my house, in our house. All her stuff is there. All the baby stuff are there," sabi niya.

Hindi na itinanggi ni Yilmaz na mayroon pang sakit sa kanyang puso hanggang ngayon. Mahirap daw kasing alisin ang sakit na naidulot ng mga salita at naramdaman nila sa kanilang paghihiwalay ni Ruffa.

"Yes, the pain is there but it makes you stronger. Pain actually makes you stronger," pahayag ni Yilmaz.

Ginagamit din daw niya ito para maging puhunan sa bagong simula ng kanyang pamilya.

THE FATHER IN YILMAZ. Nagpaunlak din si Yilmaz na ipakita sa amin ang dalawang anak nila ni Ruffa na sina Lorin at Venice. Bibong-bibo sina Lorin at Venice.

Kitang-kita rin sa mga mata ni Yilmaz ang excitement habang nakikipaglaro sa dalawa. Hindi raw maipinta kung gaano niya ka-miss ang kanyang dalawang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin din ang closeness ng mag-aama kahit na ilang buwan din silang hindi nagkita.

Mariin ang stand ni Yilmaz tungkol sa pagpasok ng mga bata sa showbiz. Hindi naman daw siya tutol sa paglabas ng mga ito sa magazine covers at TV, pero iba raw kasi ang gawing trabaho ang pagharap sa kamera.

Hangga't maaari raw ay gusto niyang ma-enjoy ng mga anak ang pagkabata. Mas gusto rin daw niya na pag-aaral na lang ang atupagin ng mga ito kesa showbiz.

Matagal niya raw itong pinag-aralan at natatakot siya sa magiging psychological effect ng showbiz sa kanyang mga anak.

Mas nanaisin pa raw niyang maging sikat ang kanyang mga anak sa ibang larangan kaysa mag-artista.

Mananatili naman si Yilmaz sa 'Pinas ng ilang araw pa para makasama ang kanyang asawa at mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN