Aiza Seguerra turns down Jason Abalos's offer to be her sperm donor

IMAGE 0


"Okay lang kung magprisinta si Jason, pero nasa huli siya sa list ng possible donors. Ayoko kasi ng buhok niya. Masyadong makapal!" jokes Aiza Seguerra about Jason Abalos's offer to be the sperm donor for her baby.



Sobrang naging close sina Jason Abalos at Aiza Seguerra sa pagtatrabaho nila sa ABS-CBN soap opera Ysabella kaya pangkaraniwan na lang ang pagbibiruan sa kanila. Nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Ysabella kamakailan sa Grilla Restaurant sa Libis, Quezon City, nagulat ang lahat nang ipahayag ni Jason na willing siyang maging sperm donor, if ever na mag-decide si Aiza na mabuntis na nga.



Ipinagtapat ni Aiza noon na iniisip na rin niyang magkaanak, pero through artificial insemination. Hindi naman daw niya pinangarap na magbuntis sa natural na pamamaraan dahil very open na nga siya sa kanyang sexuality, at hindi na raw niya ma-take 'yung parang nili-link pa siya sa lalaki.



Pero bigla ring binawi ni Jason ang birong 'yon dahil, obviously, hindi pabor si Aiza sa ganitong idea. Pabirong sabi naman ni Aiza, "Okay lang kung magprisinta si Jason, pero nasa huli siya sa list ng possible donors. Ayoko kasi ng buhok niya. Masyadong makapal!"

Mukhang seryoso si Aiza sa artificial insemination para lang magkaanak, pero ang gusto raw niyang lahi ay may pagka-foreigner. Kasi nga, maliit daw siya. Ang gusto raw niya, 'yung maging anak niya ay lumaking matangkad at gorgeous talaga para raw may improvement sa lahi.



Tinanong namin si Jason kung okay ba talaga sa kanya ang ganung idea, na magdo-donate lang siya ng sperm para doon sa mga gustong magpalahi sa kanya.



"Nakatutuwa naman kung mayroong lalapit sa akin at sasabihing gusto niyang magpalahi sa akin. Siyempre, proud ako pag ganoon. Pero iisipin ko rin naman na karugtong din 'yon ng buhay ko. Weird isipin na may anak ka na, pero parang hindi sa 'yo dahil nagpalahi lang," napapailing subalit napapangiting sambit ni Jason.



Pinagmamasdan nga namin sina Jason at Aiza dahil nang lumabas sila sa tent para harapin kami ay kagigising lang nila. Nanggaling daw sila sa iisang tent, pero magkahiwalay raw sila ng kamang hinigaan. That's for the record daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Maski sa pagkain ay sabay sila, nagkukuwentuhan pa rin. Although, kapag inuusisa si Aiza sa posibilidad na "maging girl" talaga siya ay parang hindi na rin niya ma-imagine. Gusto lang talaga niyang magkaanak.



Four years na ang relasyon nina Aiza at Chen Sarte.



Si Jason ay aminadong nanligaw kay Maja Salvador, na katambal niya sa My Kuya's Wedding. Nag-uumpisa pa lang daw si Jason sa pag-aartista ay type na niya si Maja at niligawan niya ito.



"Kaso nga, maraming pangarap si Maja at ayokong makasagabal doon dahil lang sa panliligaw ko sa kanya, kaya tinigilan ko," sabi ni Jason.



"Mas maganda rin talaga dahil nagsusuportahan kami nang maayos dahil sa ganitong set-up. Kung mag-on lang kami, kapag may tampuhan ay tiyak na makakaapekto 'yon sa trabaho namin."



Wala raw karelasyon ngayon si Jason. Itinanggi rin ni Jason ang napabalitang relasyon nila ng leading lady niya sa Cinemalaya hit na Endo na si Ina Feleo. Lumabas man sila noon, group date daw 'yon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN