Judy Ann Santos: "Mapagpatawad din akong tao but I don't forget. "

IMAGE 0


"Ang galit kasi madaling mawala, e. Parang bugso lang ‘yan ng damdamin mo na nailabas mo. Ako, ganun. Mapagpatawad din akong tao but I don't forget. Kahit na mag-sorry ka sa akin, kung malalim ang pinag-ugatan nun na nauwi sa tampo ko, sorry ka," says Judy Ann Santos.



Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Ysabella sa Grilla restaurant sa Libis, Quezon City. Tinanong namin kay Juday ang reaksiyon niya sa pagiging Kapamilya na ni Angel Locsin at sa pagsasabi nitong idolo siya ng dalaga at ninanais na makatrabaho siya in the near future.



"Idol? Wow!" bulalas ng young superstar. "Wala naman akong problema with Angel. Nagkita na kami before, she's very gracious. Walang makikitang pagpupursige na nagpapakitang-tao lang. May respeto ang bata sa kapwa niya artista."



Ano ang masasabi niya sa mga artistang naglilipatan ng mga "bahay" sa panahong ito? Welcome ba sa kanya ang ganitong ideya?



"Oo naman, welcome na welcome para sa isang gaya ko si Angel. Dahil ako naman, e, tinanggap din lang ng ABS-CBN. Sabi nga, bilog ang mundo. Ganun yata talaga. Wala akong makitang eksplanasyon na eksakto talaga.

"Siyempre, kanya-kanya ng dahilan ‘yan. Depende sa situwasyong kalalagyan mo. ‘Yung iba, naghahanap ng bagong surroundings. Meron namang hindi na masaya kaya lumilipat. Meron naman natapos na ang kontrata. Kung may lumipat man sa Dos papunta sa Siete o mula sa Siete papunta sa Dos, wala na lang sanang siraan. Kasi, nakakababa talaga ng morale ‘yon," pahayag ni Juday.



Sinundan namin ang tanong kay Juday tungkol sa naging tampo nito noon sa Kapamilya network. Ngayong araw, August 14, pa lang pala kasi pipirma ng pormal na kontrata sa ABS-CBN ang young actress, although nauna nang ibalitang nakapirma na siya. Naibalita rin kasi noon na may offer sa kanya ang GMA-7, pati na sa kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo.



"No, wala naman akong sama ng loob," paglilinaw niya. "That time, meron lang akong mga katanungang naghahanap ng kasagutan from them. But I'd rather keep mum about it. Nagtanong ako sa kanila, nasagot naman nila ako. And they went out of their way to clarify things. Siyempre, bilang isang artista naman, may mga rason din naman ako na kailangan ko ring panindigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"As far as Ryan naman is concerned, honestly, I do not know din naman kung ano ang plano o moves nila ng business manager niyang si Noel Ferrer as far as his career is concerned. Nalalaman ko na lang ang lahat pag nangyayari na. Kasi, ‘yon ang isang bagay na hindi namin itinatanong ni Ryan sa isa't isa. Hindi ako nakikialam sa kanila. Besides, nang dumating si Ryan sa buhay ko, meron na siyang career at ganun din naman ako."



PIOLO & DIREK JOYCE. Medyo matagal na rin ang alitan nila ng dati niyang leading man na si Piolo Pascual. May masasabi na ba siya tungkol kay Piolo at magaganap na ba ang pag-aayos sa pagitan nila?



"Hindi, huwag na muna. At hindi naman siya kasama sa Ysabella para pag-usapan," pag-iwas ni Juday.



What about director Joyce Bernal?



"Huwag na rin muna natin siyang pag-usapan," sagot niya. "Nasa estado na ako ng buhay ko na masaya na ako. Ayokong isipin ng mga tao na nagyayabang ako sa mga salita ko o ‘yung hindi ko pagsagot about it. Gusto ko lang na maging tahimik na lang muna ang lahat. Mangyayari na lang ang mangyayari. Patayin na lang ‘yang isyu na ‘yan."



Alin ba ang mas mabigat sa kanya, ang tampo o ang galit?



"Ang galit kasi madaling mawala, e. Parang bugso lang ‘yan ng damdamin mo na nailabas mo. Ako, ganun. Mapagpatawad din akong tao but I don't forget. Kahit na mag-sorry ka sa akin, kung malalim ang pinag-ugatan nun na nauwi sa tampo ko, sorry ka," pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN