FIRST READ ON PEP: Boy Abunda says Ai-Ai delas Alas will not transfer to GMA-7

IMAGE 0


"Gusto ko lang iklaro na sa aking pananaw, there was no attempt to pirate Ai-Ai, okay? Kasi masama 'yung pakinggan, e. Kung meron mang mga pag-uusap na hindi natuloy, certainly it had nothing to do with, you know, pirating Ai-Ai or something," says talent manager Boy Abunda (left) about the rumor that Ai-Ai delas Alas (right) will transfer to GMA-7.



Lumabas sa ilang pahayagan kahapon ang balita na lilipat na diumano si Ai-Ai delas Alas sa GMA-7. May mga nagbalita pa nga na pumirma na siya ng kontrata sa Kapuso network noong Biyernes, August 10, bago siya lumipad patungong Ireland.

Ang sinasabing dahilan ng paglipat ni Ai-Ai sa GMA-7 ay dahil hindi na raw siya binibigyan ng trabaho sa ABS-CBN, unlike before na kabi-kabila ang shows niya rito.

Minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang manager ni Ai-Ai na si Boy Abunda upang kumpirmahin ang naturang balita. Nakausap namin si Boy kanina, August 14, sa taping nito ng kanyang morning show with Kris Aquino sa ABS-CBN na Boy & Kris.

"Hindi siya lilipat. Iyon ang statement, hindi po," mariing sabi ni Boy.

Pero totoo bang nagkaroon ng usapan between Ai-Ai and GMA-7?

"Kasi medyo gumugulo na ‘yan, e, at saka ayoko nang humaba pa ang usapan," sagot ni Boy. "I would like...paano ba ang, how would I put it? I don't want to comment much on it, dahil hindi buo ang aking kuwento hangga't hindi talaga kami umuupo ni Ai-Ai.

"But at this point, I'd like to apologize for whatever inconvenience na na-cause ni Ai-Ai. I take full responsibility, manager ako, e. Lalo na kay Wilma Galvante ng GMA-7. She's a personal friend, she's a very good friend of Ai-Ai.

"Gusto ko lang iklaro na sa aking pananaw, there was no attempt to pirate Ai-Ai, okay? Kasi masama 'yung pakinggan, e. Kung meron mang mga pag-uusap na hindi natuloy, certainly it had nothing to do with, you know, pirating Ai-Ai or something. Nahihiya ako kay Wilma," sabi pa ng talent manager-TV host.

May sinabi dati si Ai-Ai na muntik na siyang pumirma ng kontrata sa GMA-7 kaya lang ay pinigilan daw siya ng ABS-CBN executive na si Ms. Cory Vidanes. How true?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Let's wait for her [Ai-Ai] 'cause I wanna get the whole story," sambit ni Boy. "That may be true. Pero mas nangingibabaw sa akin ‘yung nahihiya ako, totoo. I cannot lie, nahihiya ako sa Channel 7."

Totoo ba na nasa Ireland ngayon si Ai-Ai para makapag-isip nang mabuti kung lilipat nga siya sa GMA-7 or mananatili sa ABS-CBN?

"Nandodoon siya sa Ireland ngayon kasi she is taking up fashion design," biro ni Boy. Pero naging seryoso ito ulit nang sabihin na nandoon ang kanyang alaga para sa series of concerts nito with Erik Santos.

"But she has made a decision already to stay with Channel 2," diin ni Boy.

Sariling desisyon daw ni Ai-Ai na manatili sa ABS-CBN at hindi ito utos o desisyon ni Boy bilang manager ng comedienne.

"It's her own decision to be in Channel 2," giit niya. "Don't forget that Ai-Ai is very close to Wilma. So, alam mo naman when you're as big as Ai-Ai, you have conversations na kayo-kayo, you know. At mayroon siyang mga pangangailangan, in the same manner that Ai-Ai is also very close to people in ABS, lalo na kay Cory, di ba?

"Pero kung may naabala, I apologize, I really apologize. And I take full responsibily for what Ai-Ai did. At nahihiya ako talaga," ulit niya.

Hindi kaya ang kawalan ng trabaho sa ABS-CBN ang dahilan kung bakit nagbalak si Ai-Ai na umalis dito at lumipat sa GMA 7? Sa ngayon nga kasi ay walang regular show sa Kapamilya network si Ai-Ai.

"Hindi kami kinulang ng trabaho sa labas kaya halos hindi ko napansin," sabi ni Boy. "As if naman nabakante si Ai-Ai. Kahit naman sabihing bigyan mo kami ng limang teleserye, e, may national tour ng Zonrox, may national tour ng Maggi, may concert sa Araneta Coliseum. Nasa Amerika ng isang buwan at kalahati. Nasa Ireland ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko rin naman idini-deny 'yon na wala siyang trabaho sa ABS. Pero hindi nangangahulugan na wala na talaga siyang trabaho. Bising-busy pa rin si Ai-Ai sa labas," paglilinaw niya.

Pero iba pa rin ang may regular show sa telebisyon na napapanood siya ng mga tao, lalo na ng kanyang fans, di ba?

"She deserves a television show. Pero lahat naman ng 'yan, napapag-usapan ng tama, at sa lugar at sa tamang panahon at sa tamang konteksto, ‘ika nga," pagtatapos ni Boy.

Ang huling regular show ni Ai-Ai sa ABS-CBN ay ang Bituing Walang Ningning with Sarah Geronimo and Zsa Zsa Padilla. Nagkaroon din siya ng special appearance sa fantaserye na Super Inggo. Ngayon naman ay balita na kasama siya sa bagong soap opera nina Kim Chiu at Gerald Anderson, kung saan makakasama rin ang Diamond Star na si Maricel Soriano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN