Willie Revillame gives words of wisdom to his "Wowowee" co-hosts

IMAGE 0


Wowowee host Willie Revillame shares his thoughts on the departure of Roxanne Guinoo (inset, bottom) and the arrival of Valerie Concepcion (inset, top) on ABS-CBN's daily noontime show.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Wowowee host na si Willie Revillame, inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa pagkakatanggal ng isa sa mga co-hosts niya na si Roxanne Guinoo. Tinanggal diumano si Roxanne sa Wowowee dahil sa hectic schedule nito sa taping ng soap opera na Natutulog Ba ang Diyos?.



"Kung anuman ang sabhin ni Roxanne, ibigay na natin sa kanya. Kasi maganda naman ang rating ng show niya. Sabi ko sa kanya, napakasuwerte mo dahil Judy Ann [Santos], di ba? Claudine [Barretto], Bea [Alonzo]... 'Biro mo. binigyan ka ng show sa primetime?'" sabi ni Willie na ang tinutukoy ay ang paghanay ni Roxanne sa mga drama princesses ng ABS-CBN.

Sa huling panayam ng PEP kay Roxanne, sinabi nito na puwede naman siyang bumalik sa show. Reading between the lines, nararamdaman ng marami na mas gusto pa rin ni Roxanne na manatili sa Wowowee.



"Talagang hindi nga raw niya matanggap na wala na siya sa show," sabi ni Willie. "Pero hindi, very sweet ang batang ‘yon.

"Alam mo, binulungan niya ako, ‘Kuya ipaglaban mo naman ako. Gusto ko talaga.' Sabi ko sa kanya, hindi. ‘Ipaglalaban kita kung maaapi ka, hindi ka naaapi. Maganda ito para sa ‘yo,'" salaysay ng TV host.



Ano ang naging reaksiyon ni Roxanne sa sinabi niya?



"Umiiyak siya," tumigil sandali si Willie. "Nakatingin lang siya sa akin. Parang anak mo na naaawa ka na. Sabi ko, ‘Ano ka ba? Tawagan mo ang Nanay mo.' Kasi mukhang may problema yata siya sa Mama niya. ‘Kausapin mo Mama mo. Wala kang ibang pagsasabihan. Huwag mong pagpraydan ang Nanay mo. Mabigat ang dinadala mo.'"



VALERIE CONCEPCION. Tungkol naman sa bagong co-host ni Willie na si Valerie Concepcion, binigyan niya raw ito ng advise na sa last taping day niya sa GMA-7 ay magpakain siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Maliit lang kasi ang mundo natin. Isang araw maaaring nandiyan ka ulit. Huwag kang magsusunog ng tulay sa lahat. Wala naman akong masasabi kay Valerie kasi maganda ang image niya. Maganda ang feedback sa kanya. Ano siya, e, sweet siya. Charming siya sa tao. Walang negative sa kanya.

"Sabi ko kay Valerie, ‘Iha, nanay ka na. Huwag mong ipagkakait na ipakilala ang anak mo sa mundo. Magagalit sa ‘yo ang Diyos at ang tao. Kung ano meron sa ‘yo, ipagmalaki mo ‘yan.'

"And in fairness kay Direk Bobot [Edgar Mortiz, Wowowee director], alam mo bago pa ‘yan [Valerie] mag-Channel 7, dinala na dito ‘yang si Valerie. Nag-audition, e, bata pa. Kapapanganak lang niya, dinala rito ‘yan. E, hindi ko siya kilala. Kilala siya ni Direk Bobot.

"Tinawagan si Becky [Aguila, Valerie's manager] sa London. Biglang pinag-guest at nung nag-guest dito, nakita rito ng Channel 7, tinanggal agad siya dun sa show niya sa kabila. Tapos tinext siya ulit. Sige, ‘Puwede ka pang mag-taping basta last day mo na.'

"Sabi ko sa kanya, ang mga taong ‘yan, umiikot lang tayong lahat dito sa mundo. Huwag na huwag kang magsusunog ng tulay. 'Tsaka magpasalamat ka, pinakinabangan mo ang Seven, although pinakinabangan ka rin naman," mahabang pahayag ni Willie.

NEW HOST. Sa ngayon, naghahanap pa rin sina Willie ng magiging ikatlong co-host nila sa show, kasama nina Valerie at Mariel Rodriguez.

"Meron silang inirerekomenda, ‘yung galing ng Channel 7, si Megan Young. Maganda ‘yung bata kaya lang, medyo young. Dapat dito kasi sa show, mga 22 [years old] and up. Masyado pa siyang bata para sa show," paliwanag ni Willie.

NEW PORTIONS. Ipinagmamalaki rin ni Willie ang mga bagong portions na aabangan at tiyak daw na ikatutuwa ng mga tagasubaybay ng Wowowee.



"Ang bagong portion namin na ‘Iyugyug Mo' parang stop dance. Kukuha kami ng contestant mula sa audience at saka namin pasasayawin ng ‘Iyugyug Mo.'Tapos bigla namin silang tatanungin. Kapag hindi niya nasagot, out siya. Pero kung nasagot niya, out ‘yung katabi niya," lahad ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



This week, kung hindi magkakaroon ng aberya, uumpisahan naman nila ang isa pang bagong portion na "Wilyonaryo," mula sa salitang milyonaryo. Posible raw na itong "Wilyonaryo" ang ipalit sa existing portion nila na "Pera O Bayong."

Nang huli naming nakausap si Willie sa kanyang dressing room sa Wowowee, nabanggit niya na pinagpupuyatan nila ng buong staff para araling mabuti ang portion.



"Binigyan kami ng additional thirty minutes. Pero grabe ang commercial namin!" pasasalamat ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN