Isabel Oli's father diagnosed with Parkinson's disease

IMAGE 0


"Nung sinabi ng doctor, naiyak talaga ako. Akala ko, sa TV lang ‘yon napapanood, ‘yung pag sinabi ‘yung sakit, naiiyak agad. Totoo pala talaga ‘yon, naiyak talaga ako," narrates Isabel Oli after learning about her father's illness.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Isabel Oli last Sunday, August 12, sa anniversary ng GMA Artist Center sa Showbiz Central sa Broadway TV Complex. Napag-alaman namin na the day before, Saturday, ay katatapos lang ng check-up ng ama niyang maysakit.

Nag-undergo na ng medical procedure para sa problema sa prostate ang father ni Isabel, pero hindi pa raw tapos ang alalahanin ng kanilang pamilya.

"Yes, ‘yung problema sa prostate, natanggal na. Then, may Parkinson's disease siya bukod sa problem niya sa prostate. So, parang napaka-sad," bakas sa mukha ang kalungkutang pahayag ni Isabel sa PEP.

"Nung sinabi ng doctor, naiyak talaga ako. Akala ko, sa TV lang ‘yon napapanood, ‘yung pag sinabi ‘yung sakit, naiiyak agad. Totoo pala talaga ‘yon, naiyak talaga ako."

Last month pa raw nila nalaman na may Parkinson's disease ang kanyang ama. "Pero may medicine naman siya na tine-take," sabi ni Isabel.

Kasalukuyang nasa Cebu ang father ni Isabel na si Mr. George Daytia, at sa Sabado ay babalik na ito sa Singapore kung saan siya naka-base.

"Nandun kasi ang mommy ko sa Singapore, e, at dun din kami sa December. So, ‘yon, nauna na siya sa Singapore. Nandun ‘yung mga sisters ko, mas marami sila dun. So, mas maraming mag-aalaga sa kanya dun. Kasi ako, lagi naman akong nasa taping," paliwanag ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN