FIRST READ ON PEP: Yilmaz Bektas postpones trip back to Istanbul

IMAGE 0


Yilmaz Bektas was supposed to fly back to Istanbul but he changed his mind at the last minute. According to a PEP source, Yilmaz decided to postpone his trip because he misses his wife and daughters.



Hindi natuloy ang pag-alis sa Pilipinas ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas kaninang hapon, August 17, pabalik ng Istanbul, Turkey.

Hindi ang masamang lagay ng panahon ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang mister ni Ruffa Gutierrez na manatili sa bansa, kundi ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice. Sinasabing "nagkaiyakan sina Yilmaz at ang mga bagets" bago ito tumungo sa airport.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang malapit na tao sa kampo ni Ruffa na bandang alas-singko ng hapon kanina—taliwas sa unang naiulat na alas-dos ng hapon ang kanyang flight—ay nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Yilmaz.

Bago siya nag-check-in ay biglang nakaramdam daw ito ng "emptiness." Bigla raw niyang na-miss ang kanyang asawa at mga anak, kaya sa halip na mag-board sa plane ay nagpatanong daw si Yilmaz kung may available flights pa sa Sunday or Monday. Pagkatapos nito ay bumalik siya sa Makati Shangri-La Hotel kung saan siya nag-check-in sa sana'y isang linggo niyang pamamalagi sa bansa upang bisitahin ang asawa't mga anak.

Mula sa isa pang source ay nalaman ng PEP na nag-check-out si Yilmaz sa naturang hotel ng 3:42 ng hapon at nag-check-in uli ng 5:33 kanina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN