Gladys Guevarra moves in with boyfriend in the U.S.

IMAGE 0


"We just figured that it will be best if she stays in our own home while she's in the States and I stay in her home here when I visit," says US-based Philip Peredo about living arrangement with girlfriend Gladys Guevarra.



"We just moved in to our new condo, Gladys and I."

Ito ang nakakabiglang pahayag ni Philip Peredo, ang US-based boyfriend ni Gladys Guevarra nang salubungin sila ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa kanilang trip sa New Jersey.

Maging si Gladys ay napatili sa binitiwang salita ng boyfriend.

"We just figured that it will be best if she stays in our own home while she's in the States and I stay in her home here when I visit," sabi pa ni Philip.

Excited na rin daw ang dalawa na punuin ng mga kasangkapan ang kanilang bagong tirahan.

"I'm just so happy when I'm with him. Iba, e! Basta masaya ako, ‘yung totoong saya!" bulalas ng singer-comedienne.

Ayon sa dalawa, ini-enjoy muna nila ang mga panahon na magkasama sila. Paminsan-minsan ay sumasagi ang usapan ng kasal, pero wala pang konkretong plano para rito.

"We plan to travel and enjoy each other," sabi ni Philip.

"Marunong si Lord. Hindi ka Niya bibigyan ng mga bagay na hindi mo malalampasan," pahayag naman ni Gladys tungkol sa mga intrigang pinagdaanan niya kamakailan.

Matatandaang naging tampulan ng intriga si Gladys sa kasagsagan ng diumano'y love affair nila ni Janno Gibbs.

Kung noong mga panahon na ‘yon ay balot ng malungkot at nagngangalit na aura si Gladys, ngayon ay tila exuding with happiness ang kanyang dating.

"Maganda rin na sumama si Philip dito para nakita ng mga tao na buhay siya. Ang dami kasing naglabasan na kesyo hindi raw siya totoo, pantapal lang daw sa tsismis kaya ginagawa. Well, hindi naman na importante ‘yon. Ang mahalaga, masaya ako, masaya si Philip, everybody happy!" ani Gladys.

Isang linggo lang mananatili ang dalawa rito sa Pilipinas. Kasamang aalis ni Philip si Gladys papuntang News Jersey para asikasuhin ang pagpili ng mga gamit nila. Nandito ang dalawa para makilala si Philip ng mga kamag-anak at kaibigan ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN