John Prats swears he's not courting Shaina Magdayao

IMAGE 0


"Wala akong balak na ligawan si Shaina, we're friends. We're just enjoying each other's company, saka respeto na lang kay Rayver," says John Prats about Shaina Magdayao (inset, bottom). John also comments on the rumor that his sister, Camille Prats (inset, top) decided to finish her studies because lack of TV projects.



Sa kabila ng patuloy nilang pagde-deny, katakatakang hindi mamatay-matay ang isyu na nag-uugnay kina John Prats at Shaina Magdayao.



May lumabas na mga balita na nakita raw na nanood ng sine sa Eastwood sina John at Shaina at nag-date din diumano sila sa Taste of LA, isang restaurant sa Quezon City.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John last Sunday, August 12, sa ASAP '07 ay hindi naman itinanggi ng young actor na kumain sila ni Shaina sa Taste of LA. Pero may ibang bersiyon si John sa kung ano raw talaga ang totoong nangyari.



"Totoong nagpunta kami dun, but not only me and Shaina," sabi niya. "Kasama namin sina Nikki [Gil], Iya [Villania], at Joross [Gamboa], so I don't think you can call it a date. It happened two weeks ago, after ASAP, we had to go somewhere else to eat because we were waiting for the Star Magic Ball.



"Regarding that Eastwood issue, walang nangyari na ganyan, it never happened. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga isyu na ito. Noong una, hindi ko pinapansin kaya lang hindi matigil-tigil, e. Ako, I'm clearing it from my mouth and I swear on my family's life, it's not true," diin niya.

Iginiit din ni John na wala siyang balak ligawan si Shaina.

Hindi rin daw naniniwala si John na huminto na sa panliligaw kay Shaina si Rayver Cruz dahil may namamagitan kina John at Shaina.



"I don't think na huminto na sa panliligaw si Rayver kay Shaina because of those issues on me and Shaina. Wala akong balak na ligawan si Shaina, we're friends. We're just enjoying each other's company saka respeto na lang kay Rayver," sabi ni John.

Nang mapag-usapan naman ang pag-alis ng bansa ng kapatid ni John na si Camille Prats para tapusin ang pag-aaral nito, nilinaw ng young actor na ang pag-alis ng kapatid ay matagal na nitong balak at hindi dahil wala nang nangyayari sa career nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Definitely that's not true," diin ni John. "Ang tagal na niyang gustong umalis to study abroad, four years na siguro. Sinabi niya kay Mommy na pag nakuha niya ang Marimar, she'll stay. Pero pag hindi, it's about time na mag-aaral na siya para matapos na ‘yung course niyang Business Management in Advertising in Thames.



"Sa Thames kasi, you take the two-year course, tapos may four months siyang kasama na kukunin mo in States. Aalis si Camille first week of September but she'll be back next year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN