Kris Bernal says Mart Escudero stopped courting her not because of Jenica Garcia

IMAGE 0


"Ang alam ko, hindi dahil kay Jenica. Ang alam ko, dahil nawalan na kami ng time for each other, e. Like, siyempre, busy siya with Impostora. So marami siyang taping lagi, may Boys Nxt Door, ganyan," says Kris Bernal about the reason why Mart Escudero (inset, with Jenica Garcia) stopped courting her.



Pinabulaanan ng StarStruck winner na si Kris Bernal sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na kaya tumigil ng panliligaw sa kanya si Mart Escudero ay dahil nanliligaw na ito kay Jenica Garcia.

"Si Mart, nag-stop siyang manligaw hindi dahil kay Jenica," sabi niya sa anniversary special ng GMA Artist Center last Sunday, August 12. "Ang alam ko, hindi dahil kay Jenica. Ang alam ko, dahil nawalan na kami ng time for each other, e. Like, siyempre, busy siya with Impostora. So marami siyang taping lagi, may Boys Nxt Door, ganyan.

"Pag nasa Boys Nxt Door naman kami, busy kami sa taping, sa trabaho. So, sabi ko, set aside muna natin ‘yung ligaw-ligaw na ‘yan. Pero kasi nung mga oras na ‘yon, ang alam ko, hindi pa sila masyadong close ni Jenica, nagsisimula pa lang. So, ang feel ko, hindi dahil kay Jenica."

Ang lumalabas kasi, iniwan ni Mart si Kris in favor of Jenica...

"Hindi ko nga alam kung bakit ganun, e. Nung nanliligaw siya sa akin, ang alam ko walang iba. Alam ko, wala pang Jenica. Pinatigil ko siya hindi dahil may ibang babae or what. Talagang busy lang talaga siya, tapos walang time. Hindi na kami masyadong nagkikita."

Pinabulaanan din ni Kris ang napabalita na hindi niya pinapansin si Jenica.

"May mga write-ups na parang dine-deadma ko daw si Jenica, which is hindi naman totoo. Kasi pag katrabaho ko si Jenica, naglolokohan pa nga kami nun, e. Mabait siya," sabi ni Kris.

Kumusta naman sila ng dati niyang ka-loveteam na si Aljur Abrenica? Matatandaang during their StarStruck days ay mas malapit sina Kris at Aljur at balitang mag-MU (mutual understanding) na nga sila noon. Pero nang sina Kris at Mart ang nanalong Ultimate Loveteam ay biglang nagbago ang ihip ng hangin.

"Si Aljur? Hindi naman nanliligaw si Aljur, e," sagot ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahal pa ba niya si Aljur?

"Puwedeng as a friend?" tawa niya.

Yes or no?

"Oo naman... yes!" pag-amin ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN