Chynna Ortaleza remains loyal Kapuso talent for seven years

IMAGE 0


"Kasi siyempre, there are times sa career mo na mawawalan ka ng trabaho. Pero sa akin kasi, palagi kong naiisip ‘yung utang na loob. Normal naman kasi sa isang artista na minsan pinagpapahinga ka ng network," says Chynna Ortaleza about her work with GMA-7.



Isa si Chynna Ortaleza sa masasabing pinakamatagal at pinaka-loyal na talent ng GMA Artist Center. Pitong taon na siyang Kapuso.



"Seven years na ko sa business. ‘Yung first two years ko, I was only a freelance artist. After that, for five years, I'm already an exclusive talent of the network. Tuwing pumipirma ako ng contract sa GMAAC, automatic na kaagad ‘yon na exclusive contract sa GMA-7," sabi ni Chynna sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Aminado si Chynna na nagkaroon din siya ng problema with her management, pero sa kabila nito ay nanatili siyang tapat sa Artist Center.



May time din daw noon na may offer sa kanya ang kabilang network. Not to mention na some of the executives of ABS-CBN ay kaibigan ng kanyang ama na si Mr. Gryk Ortaleza.



Hindi ba naisip ni Chynna na subukang magtrabaho sa kabilang network?



"Kasi siyempre, there are times sa career mo na mawawalan ka ng trabaho. Pero sa akin kasi, palagi kong naiisip ‘yung utang na loob. Normal naman kasi sa isang artista na minsan pinagpapahinga ka ng network.



"May time din noon na halos wala akong pahinga ng buong linggo, as in dire-diretso na ‘yung shows ko, sabay-sabay talaga. Hanggang sa napansin nga nila na it doesn't bring me any good. Kasi, physically, halata nang masyado na akong exhausted.



"So, sila rin ‘yung nag-call ng attention ko. Payat na nga ako noon, pero mas lalo pa akong pumapayat. So what they asked me to do was to improve my weight and na-appreciate ko talaga ‘yon. Now, hindi na ako ‘yung stressed talaga," mahabang pahayag ni Chynna.



Ayon pa kay Chynna, may tiwala naman siya sa GMA-7 dahil alam niya na nakikita ng management kung ano ang mga kakayahan niya bilang artist ng Kapuso network.



"Gaya nga ng sabi ko, normal lang sa isang artistang pinagpapahinga," ulit niya. "Basta within a year, may mga blessing naman na pumapasok. Hindi ka naman nawawalan ng regular show at guesting. Tapos may mga raket pa na ibinibigay, usually ‘yung mga out-of-town shows and endorsements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Like sa part ko, every year naman ay nakakapag-provide ako ng help sa family ko. Nakakapag-invest na rin ako sa house and my own car at ‘yung business ko," aniya pa.



Right now, Chynna just finished taping for Pati Ba Pintig ng Puso Ko? na ayon sa young actress ay hanggang September pa mapapanood. So far, wala pa raw sinasabi sa kanyang follow-up projects after ng afternoon soap. Pero steady lang daw siya dahil ever since naman daw, the network knows what projects to give her.



Nalaman din ng PEP na recently lang ay may-offer kay Chynna to guest in Maalaala Mo Kaya, ang drama anthology ng ABS-CBN. Kung pinayagan daw sana siya ay gusto rin niya siyempreng subukang lumabas kahit guesting lang sa ibang network.



"Noong pinagpaalam ng handler ko, hindi daw ako pinayagan," pag-amin ni Chynna. "They have their reasons kasi siguro busy pa ako that time for Pati Ba Pintig. Noong malaman ko, I also hoped na sana nga payagan akong makapag-guest. Hindi ko na nalaman kung ano ang magiging role kasi parang nakakahiya namang itanong pa ‘yon kung hindi rin naman pala ako papayagan.



"Sa akin naman, okay lang din kasi ano ba ang magagawa ko? I have an exclusive contract with GMA-7. Ako naman, madali naman akong kausap, basta bigyan mo lang ako ng trabaho. In fairness, marami naman silang guesting na naibibigay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN