Judy Ann Santos's mother has only good words for Ryan Agoncillo

IMAGE 0


"Hindi kasi siya mahilig mambola, very sincere siya sa kanyang mga sinasabi. Higit sa lahat, nakikita namin kung gaano niya pinahahalagahan si Juday. Sa amin, 'yon ang importante, 'yung mahal niya si Juday," says Mommy Carol Santos about her daughter's boyfriend, Ryan Agoncillo.



Sa simula pa lang ng relasyon nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, positibo na ang mga komento ng ina ng aktres na si Mrs. Carol Santos o mas kilala bilang Mommy Carol. Almost two years mula noon, maligaya pa rin si Juday sa piling ni Ryan.

Sa taping ng morning show nina Boy Abunda at Kris Aquino sa ABS-CBN na Boy & Kris last Tuesday, August 14—at ipalalabas ngayong araw na ito, August 17—ay puro magagandang salita ang binitawan ng ina ni Juday tungkol kay Ryan.

"Walang problema, mabait na bata si Ryan. My daughter is in good hands. Wala na akong pagdududang siya na talaga ang perfect guy para kay Juday. Hindi nagkamali si Juday kay Ryan," papuri ni Mommy Carol kay Ryan.

Ikinuwento rin ni Mommy Carol ang unang pagpunta ni Ryan sa bahay nila. Ito raw 'yung panahong laganap na ang tsismis na nagkakamabutihan na sina Ryan at Juday.

"Sabi ng anak ko, bibisita raw si Ryan sa bahay namin. Ako siyempre, naghanda naman para sa kanya. Although, hindi 'yon ang unang pagkakataong magkakaharap kami ni Ryan, parang excited din ako. Sa set lang kasi kami nagkikita nang magkasama pa sila ni Juday sa isang teleserye sa Dos.

"So dumating na nga sila, nasa mesa na kami at nag-uusap nang mapansin ko na magka-holding hands sila. Medyo nagulat lang ako, pero sabi ko sa sarili ko, kung sila na talaga, kung masaya naman si Juday, anong magagawa ko?

"Isa pa, alam kong mabuting tao si Ryan kaya hindi na naging isyu na naging sila. Basta ako, nariyan lagi para kay Juday, kung kailangan niya ako, hindi ko ipagkakait sa kanya ang sarili ko," lahad ni Mommy Carol.

Hindi naman nagkamali si Mommy Carol sa una niyang impresyon kay Ryan. Bukod daw sa disente at edukado, likas din daw sa binata ang pagiging mabuting tao. Malinaw na ang mga katangiang ito ni Ryan ang dahilan kung bakit tuluyan niyang naka-bonding si Mommy Carol pati na ang iba pang mga kaanak ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Juday, na dumating din sa naturang taping, nakikita niyang mas open si Ryan sa kanyang pamilya kung ikukumpara sa kanya.

"Ako kasi, hindi naman talaga ako ganun ka-open," pag-amin ng aktres. "May panahong hindi ko agad masabi ang gusto kong sabihin. Pero si Ryan, open ang kanyang linya sa lahat—kay Mommy at sa mga kapatid ko.

Ayon naman kay Mommy Carol, "Hindi kasi siya mahilig mambola, very sincere siya sa kanyang mga sinasabi. Higit sa lahat, nakikita namin kung gaano niya pinalahalagahan si Juday. Sa amin, 'yon ang importante, 'yung mahal niya si Juday.

"Kung ano 'yung dapat sabihin, 'yon ang sinasabi niya. Madali naman siyang makaintindihan kaya walang problema kay Ryan. Sa ngayon, alam kong hindi niya kami itinuturing na iba at ganoon din kami sa kanya."

Sinabi rin ni Ryan na hindi siya nahirapang makipag-close sa pamilya ni Juday, lalo na nga kay Mommy Carol.

"Ako kasi, what I am, 'yon ako. I don't go out to impress people. Mahirap kasi kung hindi ka sincere and you're only putting a front para magustuhan ka nila. In the end, lalabas din ang totoo at lalong hindi magwu-work. Ako, from the start, I showed myself at 'yon lang sa palagay ko ang secret kung bakit naging close ako sa kanila," pahayag ni Ryan.



Kahit si Judy Ann, close din naman sa pamilya ni Ryan. In one interview, nagbigay pa sila ng detalye kung paano hinaharap ng mga kapamilya ni Ryan si Juday kapag nakikita nila ito. Sinabi rin ni Ryan na ipinagmamalaki ng kanyang parents sa mga kaibigan nila ang kanyang kasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN