Zsa Zsa Padilla gives the press an upbeat interview

IMAGE 0


"As far as I know, they're okay and they're happy together. When someone asked me if I think ‘yun na ang start na maghihiwalay na sila, ang sabi ko, ‘You can't say. It's a relationship, anything can happen,'" says Zsa Zsa Padilla about daughter Karylle and her boyfriend Dingdong Dantes.



Ganadong makipagtsikahan at makipagbiruan with the entertainment press si Zsa Zsa Padilla during the Belo Essentials press launch last August 15.

Maging ‘yung pagkakadawit niya sa isyu between her daughter Karylle and boyfriend Dingdong Dantes, na nali-link ngayon sa Marimar co-star nitong si Marian Rivera, ay kanyang sinagot.

Mariin niyang itinanggi ang balita na nagdayalog daw siya ng, "Huwag nilang gamitin si Karylle sa promo ng Marimar!"

"Of course not! Wala akong sinabing ganun," paglilinaw ni Zsa Zsa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Ang bait-bait ko nga, e! Tingnan n'yo, pati ako tinatanong n'yo tungkol sa promo ng Marimar? Anong care ko sa Marimar?

"'Sabagay, may care ako dahil kasali roon si Dingdong. Okay, fine! Pero wala akong sinabing ganun. You're putting words into my mouth!" patili pero natatawang sabi ng Divine Diva.

Honestly, feeling ba niya ay nagagamit si Karylle sa promo ng Marimar kahit hindi dapat?

"Well, that's part and parcel of being in showbiz. You can't help that. You know, I love her [Karylle] to death and I want to protect her. Pero sabi ko lang sa kanya, ‘You have to show people you're made of stronger stuff!'

"Mahirap, e. Pero ganun talaga, kasi kasama ‘yan sa trabaho, di ba? Meron lang namang isyu ‘pag ipinakita mong na-hurt ka, di ba? Pag hindi ka naman nahe-hurt, kahit bato sila nang bato sa ‘yo, e, di walang mangyayari," pag-aanalisa niya.

KARYLLE & DINGDONG. Sa pagkakaalam niya, okay ba ang relasyon nina Karylle at Dingdong o totoong may problema sa dalawa?

"As far as I know, they're okay and they're happy together," sagot ni Zsa Zsa. "When someone asked me if I think ‘yun na ang start na maghihiwalay na sila, ang sabi ko, ‘You can't say. It's a relationship, anything can happen.'

"But since they already have a business, ‘yung Centerstage [bagong bukas na KTV bar sa Centro building in Tomas Morato corner Timog Avenue, Q.C.] and all that, I think it's proof enough that they're a step ahead. Kumbaga, they're making plans. They're wisely investing their money and doing business together now should make their relationship stronger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang in-advice ko kay Kaye, aside from using Belo Essentials para maging happy siya at lalo siyang kuminis...talagang ipasok natin, di ba? Hahaha! I just told her na she has to prove to people that she can't just be pushed around. Not to be defensive in any way dahil pangit din ‘yon. Kumbaga, easy ka lang. Just be cool," sabi ng actress-singer.

Ang ibig ba niyang sabihin, Karylle is being pushed around?

"I think she's being challenged," sabi niya. "I think any relationship can be challenged at nasa sa ‘yo na ‘yan how you will handle it. You know, Kaye is a very intelligent girl and a lot of people don't even realize that she already graduated from college years ago.

"She looks very young, e. She's really bright and she has a good head on her shoulders. Kaya I take offense when I hear some people comment, 'Pag naghiwalay sila, maraming magkakakagusto kaagad kay Dingdong.'

"Sabi ko, ‘Bakit sa anak ko? Excuse me, huh! Ang ganda-ganda ng anak ko at matalino pa at matino! At graduate siya ng Ateneo!'" natatawang tili ni Zsa Zsa, na ginaya ang delivery niya ng kanyang memorable line na "Graduate siya ng La Salle!" patungkol kay Edu Manzano in her scene with Patrick Garcia sa pelikulang Batang PX (1997).

"But you know, I love Dong, ha? They shouldn't get me wrong," paglilinaw ni Zsa Zsa.

"I think that sense of being in business and everything and about securing their future, this is also influenced by Dong because I know that he's into a lot of business at nakikisosyo siya [Karylle]."

FABULOUS AT 43. Samantala, swak na swak kay Ms. Zsa Zsa ang katagang ‘fabulous at forty' dahil kapansin-pansing extra beautiful and sexy siya ngayong 43 years old na siya.

"I'm 43. I'm sorry, I cannot lie. Ayaw ni Lord! Idinamay si Lord? Hahaha! I'm 43 and lovin' it!" proud na pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Game ding nakipagbiruan sa PEP si Ms. Zsa Zsa tungkol sa usaping sex kaya hiniritan namin siya kung active ba ang kanyang sex life.

"Sex life ko? Oo! Pero kailangang tanungin mo mismo si Dolphy. Ide-dare kitang tanungin mo si Dolphy niyan, ‘Sir, kumusta po ang sex life n'yo?' Tingnan natin kung anong isasagot niya!" halakhak pa ng Divine Diva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN