Angelika dela Cruz feels more mature after psychological help for depression

IMAGE 0


Angelika dela Cruz has no hangups about seeking professional help for her depression. She also has nothing against doing a kontrabida role as long as the character and story are well made.



Naibalita noon dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na papasok si Angelika dela Cruz sa primetime series ng ABS-CBN na Ysabella bago ito magtapos. Kaya nang makausap muli ng PEP ang young actress sa telepono kahapon, August 16, ay kinumusta namin kung kailan siya magsisimula ng taping para sa naturang teleserye na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.



Pero nagulat kami sa sinabi ni Angelika na hindi na raw siya kasama sa Ysabella. Ayon sa kanya, may naging pagbabago raw kasi sa magiging role niya rito.

"'Yung napag-usapan kasing role ko noong una, okay na. Actually, nag-look shoot na nga ako. Picture-picture. Okay na talaga. After a week, tumawag sa akin ang Backroom [her management office], binago raw ‘yung dapat na magiging role ko.



"Ang original na role ko sana ro'n, parang Mary-Ann, ‘yung character ko noon sa Sana'y Wala Nang Wakas na gusto ko talaga. Pero ang nangyari yata, gagawin na nilang kontrabida ‘yung character.

"Okay lang din sana sa akin kahit kontrabida, basta maganda naman. Kaso, patapos na rin naman kasi ang soap. Tapos pagpasok ko, kontrabida role pa. So, sinabi ko na rin kay Kuya Boy [Abunda, her manager], okay lang na pass muna. Si Kuya Boy rin, tinanggihan na rin niya," lahad ni Angelika.



May sinasabi naman daw na bagong teleserye na gagawin niya para sa ABS-CBN, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Gusto ni Angelika na magawa ito, pero sinabi niya na ngayon daw, hangga't hindi talaga siya nagsisimulang mag-taping, wala siyang masasabing kasiguraduhan sa anumang proyekto.



Dagdag pa ni Angelika, ilang beses na rin daw kasing may offer sa kanya ang network, pero madalas ay hindi natutuloy. May instance pa nga raw na on the way na siya sa story conference nang makatanggap siya ng tawag na hindi na siya matutuloy para sa naturang show.



Hindi kaya nalilimitahan ang mga projects niya dahil may isyung tinantanggihan niya at hindi niya type ang mga kontrabida roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Okay lang naman sa akin gumanap ng kontrabida, walang problema ‘yon," paglilinaw ni Angelika. "Hindi rin ako namimili kung sino ‘yung pagko-kontrabidahan kong artista. Basta ang lagi ko lang namang tinitingnan, kung maganda ang role kahit sabihin pang kontrabida. I think, tama lang naman for an artist na i-check muna kung maganda ba ang character na gagawin mo at ‘yung story."



PERIOD OF DEPRESSION. Hindi rin ikinaila ni Angelika na for the past few months, dumaan siya sa period of depression. Nalungkot daw kasi siyang talaga nang pagkatapos ng huli niyang teleserye, ang Bituing Walang Ningning—na nagtapos noong October last year pa—ay wala siyang ibang projects bukod sa Pedro Penduko, na minsan lang din siya mag-taping sa isang buwan.



Nanibago raw siyang talaga dahil nasanay siyang palaging may trabahong ginagawa.



"Dumaan talaga ko sa period na na-depress ako," pag-amin niya. "Palagi akong umiiyak. Pero, I'm happy dahil ngayon, I can say na magaling na ko. Magaling na akong talaga."

Dagdag pa niya, "Siguro kasi, nakadagdag pa ‘yung pagkamatay ni Joey Diego [her publicist who committed suicide]. Parang nagkaroon ako ng nerbiyos because of that. Three months din ‘yon na sobrang na-depressed ako."



Umabot din daw si Angelika sa puntong kumonsulta siya ng professional psychological help. Naniniwala siyang malaking factor ‘yon kung bakit okay na siya ngayon.



"Oo naman, I consulted a psychologist talaga," sabi niya, "Friend ko na nga siya ngayon. Ang sarap pala nung may nakakausap ka na parang wala siyang alam tungkol sa ‘yo, pero nakakapag-share ka sa kanya. Ako kasi, never naman akong naniwala sa sinasabi ng iba na kapag nag-seek ka ng professional help, nababaliw ka na. Kaya wala akong takot sa ganoon.



"Now, I even recommend my psychologist sa ibang friends ko na, I think, may mga problema rin or need professional help," sabi pa ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Marami rin daw positibong pangyayari na naganap sa kanya after she sought professional help.



"Tatlong buwan lang ‘yon, pero parang ang daming nag-iba sa pagkatao ko. Mas naging matured ako. Mas naging maayos ang disposisyon ko sa mga bagay-bagay. Basta ako, importante lang sa akin na kumita, magkaroon ng trabaho.

"Hindi na ako after sa mga title-title, sino ang nagre-reyna or what. Mas okay talaga. Kahit ‘yung relationship ko sa family ko, sa Daddy ko, mas nag-iba. Mas naging close pa kami ngayon sa isa't isa," kuwento ng young actress.



Malaking bahagi rin daw ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Orion Casero sa pag-overcome niya sa naramdamang depression. All throughout daw kasi ay nasa tabi lang daw niya ang kasintahan para magbigay ng suporta sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN