Jericho Rosales and John Estrada kiss and make up

IMAGE 0


Jericho Rosales (left) and John Estrada finally put a closure to their rift at YES! magazine's 7th anniversary and PEP launch. As John said, "All's well that ends well."



Hindi man natuldukan ang hidwaan sa pagitan nina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta sa 7th anniversary party ng YES! magazine at launch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakalawa ng gabi, Pebrero 28, sa NBC Tent sa The Fort, nagkaayos naman nung gabing ‘yon sina Jericho Rosales at John Estrada.



Matatandaang nagkainitan at muntik nang magkasapakan nung July last year sina Jericho at John sa celebrity premiere ng Superman Returns sa IMAX Theater sa SM Mall of Asia nang kumprontahin ni Jericho si John sa isyung tinangka raw nitong "i-take home" ang girlfriend ni Echo na si Heart Evangelista mula sa isang party.



Pumagitna sa kanila si Gary Valenciano—asawa ng manager nina Echo at Heart na si Angeli Pangilinan-Valenciano—at pinakalma ang dalawa kaya naiwasang magkapisikalan sa nasabing event.

Pagkatapos ng insidente ay sinabi ni John sa kanyang mga interview na walang katotohanan ang "take home" issue kay Heart at hindi rin daw niya hinamon ng suntukan si Echo.



Sa party ng YES! at PEP the other night, may mga nakapansin na pagdating ng magkasintahang Echo at Heart ay hindi agad sila umupo at medyo umikut-ikot muna sila na parang naghahanap ng magandang table.



Nang mapadaan sila sa mesa ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, lumapit sina Echo at Heart para bumati, ganundin sa manager ng mag-asawa na si Manay Ethel Ramos. Nung time na ‘yon ay tiyempong ka-table nina Aga at Charlene si John Estrada.



Ayon kay Tita Ethel, nawala sa isip niya na may "gap" sina Echo at Heart at si John kaya kaswal siyang nakipagbeso-beso at tsumika sa mga ito. Maya-maya ay napansin daw niyang nilapitan ni Jericho ang nakaupong si John at iniaabot ni Echo ang kanyang kamay para makipag-shake hands, na tinanggap naman ni John.



Ani Tita Ethel, napakagandang gesture ang ginawa ni Echo na ito ang naunang gumawa ng effort para matuldukan na ang anumang samaan ng loob nila noon ni John. Maging si Heart ay ngumiti rin at kumaway kay John, na ibig sabihin ay peace na silang tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang malaman ng mga TV crew na naroon ang naganap na eksena ay pinagkumpulan ng mga ito si John at tinanong tungkol sa nangyari.



Sabi ni John, natutuwa siya sa ginawa ni Echo at dahil doon ay nagkaayos na sila.

"All's well that ends well. Tapos na ‘yon, so huwag na nating lagyan ng kulay. I wish them the best at sana silang dalawa na talaga!" nakangiting bulalas ni John.

Kuwento ni Tita Ethel, kahapon ay may mga tumawag sa kanya na tinatatanong siya tungkol sa nangyari dahil ang kumalat na balita ay kinausap niya si Jericho para makipagbati ito kay John.

Aniya, kusang lumapit si Echo kay John at wala siyang kinalaman sa nangyari, pero ikinatuwa niya ang nasaksihan niyang eksena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN