Ramon Christopher says he and Lotlot de Leon care most for their kids

IMAGE 0


"Importante lang sa amin all the time is ‘yung welfare ng mga bata. Basta okay sila, okay na rin kami," says Ramon Christopher about possible second-time-around with separated wife Lotlot de Leon.



Sa birthday dinner ng beauty surgeon-specialist na si Dr. Manny Calayan, kasama ang kanyang misis na si Dra. Pie Calayan sa Little Asia T. Morato noong Huwebes, August 16, ay hindi sinasadyang inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) doon ang magkapatid na sina Ramon Christopher (Monching) at Tonton Gutierrez. Birthday treat daw iyon ni Tonton kay Monching, na kasama ang apat na anak nila ni Lotlot de Leon na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxene.

Sina Monching at Tonton ay anak ng veteran actor na si Eddie Gutierrez kina Pilita Corrales at Liza Lorena, respectively.



Last August 14 ang actual birthday ni Monching who turned 38 years old. Ano ang birthday wish ni Monching?



"Wish ko? Wala lang. Maging masaya, maging okay ang mga bata," sagot niya.

Hindi ba siya umaasa ng reconciliation nila ng misis niyang si Lotlot de Leon?



Natawa muna si Monching bago sumagot. "Hindi, okay naman kami, e. Sana lang mag-continue na okay kami ni Lot. Actually, okay naman kami."



Bakit hindi nila kasama si Lotlot sa birthday treat ni Tonton sa kanya?



"Nanggaling na kami dun, nung kahapon at nu'ng the other day, sa bahay niya [Lotlot]. Kasi nag-birthday si Maxene tapos siyempre nakihalo na rin ako. Naki-birthday na rin ako kunwari. E, libre siya [pagkain] at si Lot ang naghanda lahat. So, ‘yon na ‘yon," kuwento niya.



May posibilidad ba na magkabalikan sila ni Lotlot?



"Hay, naku, hindi ko alam," malungkot na sabi ni Monching. "Serious, hindi namin napapag-usapan ‘yon, e. Importante lang sa amin all the time is ‘yung welfare ng mga bata. Basta okay sila, okay na rin kami."



In fairness kay Monching, since naghiwalay sila ni Lotlot ay walang ibang babae na na-link sa kanya, whether taga-showbiz or non-showbiz.



"Hindi pa," sabi ni Monching. "Wala naman akong girlfriend or steady or whatever."

Mahal pa rin ba niya si Lotlot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Siyempre, nanay siya ng mga anak ko," sagot niya.

Sa ngayon, dumadaan si Lotlot sa isang problema kaugnay ng hindi nila pagkakaunawaan ng ina niyang si Nora Aunor. Anong suporta ang ibinibigay ni Monching sa dating asawa?



"Wala ‘yan, lalagpas din ‘yon," sabi niya. "Basta ako, suportado ako kay Lot kung anuman ‘yung pinangangatawanan niya ngayon."



Kumusta naman si Lotlot at ang ina ni Monching na si Pilita Corrales, na dati ring nagkaroon ng hidwaan?



"Getting better siguro than before," sagot niya. "Hindi pa sila nagkikita. Pero wala na kasing mga salitang lumalabas na masasakit. So, getting better sila para sa akin. Kahit hindi pa sila nagkikita, naniniwala ako na malapit na ‘yan. Maaayos ko ‘yan."

Napag-usapan din namin ni Monching ang tungkol sa kanyang mga anak. Ayon sa kanya,hindi raw niya mapipigilan kung magkaroon ng hilig ang kanilang mga anak sa pag-aartista.

"Pero ‘yung panganay ko, si Janine, first year college siya sa Ateneo. She's taking up European Studies and magde-debut na siya this October," kuwento ni Monching.



Samantala, third year high school na ang pangalawa niyang anak na si Jessica sa St. Paul's College. Ang kaisa-isang lalaki na si Diego ay Grade V na sa Falcons University sa Fairview, with his youngest daughter na si Maxene na nasa preparatory level naman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN