Direk Joey Reyes idolizes GO spokesperson Atty. Adel Tamano

IMAGE 0


"The first time I saw him, sabi ko, ‘Hanep ang media value ng taong ito!' I mean, how can you not vote for someone with such cute dimples? His dimples alone will have every loud-mouthed politician wiped out!" exclaims Direk Joey Reyes about Atty. Adel Tamano (inset).



Hitsura ng isang kolehiyalang kinikilig sa kanyang crush ang eksena ni Direk Joey Reyes sa last shooting day ng 2007 Metro Manila Film Festival entry ng Maverick Films, Katas ng Saudi, last Thursday, August 16.



Ang dahilan ng "feeling teenager" ni Direk Joey that night ay ang guwapong spokesperson ng GO (Genuine Opposition) na si Atty. Adel Tamano, who had a guest role sa family comedy movie topbilled by Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino.



Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng movie at may ibinuking ni Jinggoy: ang "special request" ni Direk Joey na si Atty. Adel ang gumanap sa role ng isang barangay captain na pupunta sa bahay ng isang OFW character para pagsabihan siyang nakakabulahaw ng mga kapitbahay ang malakas na pagbirit niya sa videoke ng senti song na "Remember Me" ni Renz Verano.



"I just wanted to show my support to Jinggoy who is a good friend of mine," nakangiting sabi ng handsome attorney sa PEP. "Obviously, this is not what I do dahil hindi naman ako showbiz. Pero in-invite ako ni Jinggoy, so hindi ako makahindi."

It was his first time to be in a movie set kaya medyo na-culture shock daw si Atty. Adel. Hindi niya raw akalain na ang dami palang tao sa shooting at meron pa siyang nadatnan na mga bisitang press people.

Dahil out of friendship ang cameo appearance niya sa movie ay wala raw TF (talent fee) doon ang bagets-looking na abogado. But he got much more than that dahil nang sabay silang interbyuhin ng TV crew ng 24 Oras at TV Patrol World, nag-promise si Direk Joey ng kanyang full support if ever Atty. Adel decides to run for senator in 2010.

"I am honored that Adel's acting debut is with me. I want to tell him now that if he runs for public office, I will do his campaign for free!" buong ningning na deklara ni Direk Joey on national television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The first time I saw him, sabi ko, ‘Hanep ang media value ng taong ito!' I mean, how can you not vote for someone with such cute dimples? His dimples alone will have every loud-mouthed politician wiped out!" natatawang bulalas ng premyadong direktor.

Nagbiro naman si Jinggoy, "Mga walanghiya kayo, hindi n'yo na ako pinansin dahil kay Adel!" nang makita niyang nagkumpulan ang entertainment press at magiliw na nakikipagtsikahan sa napaka-charming na GO spokesperson.

Nakisali rin si Lorna at excited na nagpa-picture with Atty. Adel sa kanyang celfone camera. "Isi-send ko ‘to sa mga friends ko para mainggit sila!" hirit ni Ms. LT.

INSPIRED. Si Direk Joey ay halatang "inspired" magtrabaho kahit biglang bumuhos ang malakas na ulan nung gabing 'yon bunsod ng bagyong Egay. Kantiyaw namin sa kanya, dahil ‘yon sa presence ng kanyang "crush."

Ang lakas ng tawa niya nang sabihin naming nagba-"blush" siya dahil kay Atty. Adel. "Ano ba ‘yan, para akong kolehiyala! Feeling ko, teenager ako na nakatirintas ang buhok ko! Feeling ko, ako si Kim Chiu!" tili ni Direk Joey.

"Tama ba ‘yung pinagsasabi ko kanina sa TV camera? Hindi kaya ‘yon ang ikasira ng political career ni Adel?" malutong na halakhak ni direk.

NEW PLM PRESIDENT. Unang napansin ng publiko ang 36-anyos na si Adel Abbas Tamano nung nakaraang eleksiyon nang maging tagapagsalita siya ng Genuine Opposition. Just recently, appointed siya ni Manila Mayor Alfredo Lim bilang presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Pangwalo si Adel sa siyam na anak ng dating senador na si Mamintal Tamano mula sa Mindanao. Naging Kundirana member siya no'ng high school sa La Salle, graduate siya ng Economics sa Ateneo, nag-Masters ng Public Administration sa UP, at nagtapos sa Harvard Law School.

Proud of being a Muslim (mas gusto niyang tawaging Moro), Adel is happily married to his lawyer wife Rowena Kapunan. They have two cute boys named Santi, 5 and Mike, 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaibigan din ni Adel ang GMA Films president Ms. Annette Gozon-Abrogar. Sa VIP screening kamakailan ng Ouija, inalok siya ni Ms. Annette na mag-guest sa isang upcoming film at hindi rin siya nakatanggi. If plans will push through ay kasama siya sa gagawing movie nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid for GMA Films.

DIREK'S PROJECTS. Nabanggit sa amin ng avid PEP reader na si Direk Joey na ngayong tapos na niyang gawin ang Katas ng Saudi, maglalagare na siya sa Aga Muhlach-Anne Curtis movie, tentatively titled Waiting for Love, na nasimulan na niyang i-shoot; at isa pa niyang filmfest entry, Sakal, Sakali, Saklolo, which stars Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.

Pagkatapos niyan ay baka mauna niyang gawin next year ang isang youth-oriented movie ng GMA Films na panay mga baguhang artista ng Siete ang bida, bago niya simulan ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, also for GMA Films.

He is also set to direct My Monster Mom starring the mother-daughter tandem of Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez for Regal Entertainment. Siya rin ang natokang magdirek ng Angel Locsin-Dennis Trillo movie sa Regal, tentatively titled When I Met You. Pero hindi niya sure kung tuloy pa ang naturang project dahil may problema ngayon sa pagitan nina Angel at Mother Lily Monteverde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN