Polo Ravales now dating former beauty queen Rizza Santos

IMAGE 0


Six months after Polo Ravales and Ara Mina announced their breakup, the two have moved on with their separate lives. Presently, Polo is said to be dating Fil-Canadian beauty queen Rizza Santos.


It's Polo Ravales who is dating Rizza Santos, not Mark Bautista.

Naikuwento noon ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal)—through an article entitled "Mark Bautista reveals his new inspiration "—na constant date sila ng Miss Earth Canada 2006.

Kinurek naman ito ni Rizza sa isa pang article "Fil-Canadian beauty queen Rizza Santos denies dating Mark Bautista" na lumabas din dito sa PEP. Minsan lang daw sila nagkita sa Canada at once sa Philippines during Mark's album launching.

Si Polo, at hindi si Mark, ang regular date ni Rizza.

Nagkaroon pa nga ng confusion sa maraming reports noon tungkol sa kauna-unahang pagsasama sa taping nina Ara Mina at Polo sa Lupin, kung saan napabalitang may isinamang "non-showbiz girl" si Polo, kasama ang kapatid nitong si Ashley Gruenwald. Sa katunayan, nagkaroon din ang PEP ng balita tungkol dito, "Polo Ravales's sister apologizes to Ara Mina ."

Ayon sa kuwento, si Ashley lang daw ang bumisita kay Polo at isinama ang said "non-showbiz girl," not to visit Polo but to have a photo opportunity with the star of Lupin na si Richard Gutierrez. Kaso, hindi natuwa si Ara na during her take, malakas daw ang naging tawanan nina Ashley at kaibigan niya.

Depensa ni Ashley, kinikilig lang daw silang magkaibigan nang makita si Richard, kung kaya't napakalakas ng tawanan nila. Pero ang sagot sa amin ni Ara, paano raw sila kikiligin kay Richard, hindi niya naman ito kasama sa take na pinagtawanan ang dalawang girls. At ayon sa isang source, ang "non-showbiz girl" ay si Rizza.

Hindi non-showbiz si Rizza dahil pumirma na ito early this year ng contract with the Viva Artist Agency, kung saan talent din si Ashley.

Three weeks ago, namataan namin sina Polo at Rizza kasama ang pamilya nito at sina Ashley at Frank Garcia, co-Boyz.Com (all all-male group) ni Polo, habang lumalabas sa isang restaurant sa Tomas Morato. Friendly or romantic date?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This was not the first time daw na nag-date ang dalawa nor was it the last time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN