Vhong Navarro feels awkward about kissing scene with Iya Villania

IMAGE 0


Vhong Navarro (right) dilly-dallies over kissing his leading lady in Lastikman, Iya Villania (left). The reason: Iya's boyfriend Drew Arellano (inset) is Vhong's best friend. "Parang naiilang ako," admits the dancer-comedian.


Matapos gumanap bilang Gagamboy sa pelikula, muli na namang sasabak bilang superhero si Vhong Navarro sa pinakabagong fantaserye sa ABS-CBN, ang Lastikman.

Sa presscon ng naturang programa noong Biyernes, August 17 sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, naging usap-usapan na mas pipiliin diumano ni Vhong si Iya Villania kaysa kay Roxanne Guinoo—na pareho niyang makakasama sa Lastikman—upang maging leading lady niya.

Agad namang klinaro ng komedyante ang naturang balita at sinabing, "Kasi si Iya mayroon na kaming bonding sa ASAP '07. Nakakasama ko si Iya, and then, siyempre with Drew [Arellano] dahil nakakasama ko si Iya...And feeling ko kasi parang halos magka-edad kami ni Iya kahit na alam ko mas matanda ako."

Idinahilan din ni Vhong ang real-life boyfriend ni Roxanne na si Jake Cuenca na kasama rin sa naturang fantaserye. Aniya, "Kasi si Roxanne may ka-loveteam na, e, kay Jake. And si Jake naman nandito rin mismo sa Lastikman, so 'yun talaga mismo ang loveteam na puwedeng maganap."

Kaugnay ng usapang loveteam, naitanong tuloy ng press kung totoong ayaw niyang magkaroon sila ng kissing scene ni Iya.

Ang paliwanag ng dancer-comedian, "Kasi ang istorya niyan, nang mag-story [conference] kami, tinatanong siya ni Direk, ‘Iya, kasi matatanda na kayo ni Vhong so gusto kong malaman ang mga limitations ninyo. Ano ba ang mga limitations ninyo?' So nag-iisip si Iya, ako naman patawa-tawa lang.

"Noong sinabi na ni Iya na, ‘Sige, Direk, okay lang sa amin ang may kissing scenes,' parang na-realize ko nang sinabi niya 'yun, best friend ko pala si Drew. So ang dating sa akin parang ako pa ang naiilang. Parang kapatid ko si Drew, e, so parang naiilang ako."

Ngunit sa kabila ng pagkailang, handa naman daw si Vhong na gawin ang eksena para sa Lastikman. "Hindi pa naman namin nakukunan pero siyempre, ako, gagawin ko iyon dahil trabaho ko iyon, wala pong malisya," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Bukod kina Vhong, Iya, Roxanne, at Jake, makakasama rin sa Lastikman sina Dawn Zulueta, ZsaZsa Padilla, Carmi Martin, Cherie Gil, Tonton Gutierrez, John Estrada, Jayson Gainza, Archie Alemanya, Ian Veneracion, at Enchong Dee. Magsisimulang umere sa ABS-CBN primetime block ang Lastikman sa darating na Setyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN