Andrea del Rosario and French boyfriend plan beach wedding

IMAGE 0


As early as May this year, Andrea del Rosario and French boyfriend Erick Nuyen have been talking about their plans to get married. To date, both of them have met each other's families.


Kung ang pag-uusapan ay ang sex appeal sa mga foreigners, mangunguna sa listahan ng local showbiz si Andrea del Rosario. Itong current squeeze niya na si Erick Nuyen ay isang French. At heto ang balita, mukhang sila na talaga ang magkakatuluyan.

Inamin ni Andrea na si Erick na ang pinakamatagal niyang naging boyfriend so far at wala raw silang nagiging problema kahit na sa kapwa nila pamilya.

"Napakilala ko na siya sa family ko at nakilala ko na rin ang family niya noong magbakasyon kami sa South of France last year. Mababait sila at very warm ang pagtanggap nila sa akin. Feeling ko na ito na nga. Siya na nga ang nasa puso ko!" sabay tawa ni Andrea.

Napag-uusapan na nga raw nila ang kasal at gusto nilang pareho ay isang beach wedding. Plano raw nilang ganapin ang wedding dito sa Pilipinas pero hindi na raw sa Boracay dahil ang dami na raw kinasal doon. Maghahanap pa raw sila ng magandang beach venue.

Pero may nagsabi kay Andrea na malas daw ang kinakasal sa beach dahil madalas daw ay nauuwi sa paghihiwalay. Naging example nga ang mga tulad nila Nora Aunor at Christopher de Leon, at Miriam Quiambao at Claudio Rondinelli. Kelan lang ay natsismis din na muntik na ring maghiwalay sina Eula Valdes at Richard Lintouja.

"Gano'n ba? Hindi ko alam ‘yan. Baka naman may problema na talaga sila from the start pa lang. Nagkataon lang na sa beach sila kinasal lahat," sabi ni Andrea.

"Beach person si Erick at lumaki siya sa tabi ng dagat talaga. Ako naman, hindi ako mahilig sa beach talaga. Sa kanya lang ako natutong mag-appreciate ng beach kaya nagustuhan ko na rin.

"Hindi naman ako superstitious na tao. Kung kayo ay magtatagal bilang mag-asawa and you believe na against all odds ay magtatagal kayo, walang mangyayaring masama sa inyo. Knock on wood, wala sanang mangyaring hindi maganda sa amin ni Erick in case ikasal na kami," pagpapatuloy ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nagbanggit nga si Andrea ng mga bansang nagkaroon na siya ng boyfriend. Kabilang pala rito ang isang Turkish boylet na hindi raw natagalan ni Andrea ang ugali.

"Saglit lang kami noong Turkish guy. Iba talaga ang ugali nila. Hindi sila magpapa-dominate sa mga babae. Kailangan sila ang mas mataas parati. I think may kinalaman iyon sa society at religion nila. Na ang mga lalake, dominant sila talaga.

"Noong una ay mabait talaga sila. Very generous at ipaparamdam nila na love ka nila. Pero kapag kinontra mo sila, doon na magsisimula ang init ng ulo nila.

"Natakot ako kasi tinataasan na ako ng boses. Nagde-date pa lang kami pero feeling niya misis na niya ako. Naku, hindi ko na siya tinagalan at nakipag-break na ako sa kanya. Wala akong balak na magpatali sa kanila, ‘no! And dami pa namang lalake diyan!" sabay tawa niya ng malakas.

Kasama nga pala si Andrea sa teleserye na Margarita. Siya ang magiging matinding kontrabida sa karakter na ginagampanan ni Wendy Valdez. May indie movie rin si Andrea entitled Chop Suey kung saan kasama naman niya si Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN