Luis Alandy on his sex life: "Gusto ko kasi may kasamang love."

IMAGE 0


When Luis Alandy guested on a radio show last January, the DJ host asked him to name three famous people he slept with. Luis answered, "One is Desiree; two, Tin Arnaldo, the third one...Kat Alano." It was the latter who went to the media and cried foul. Fast forward to August 20, the actor said, "Nag-sorry na ako sa kanya regarding that."


Kapag wala raw girlfriend si Luis Alandy ay hindi raw active ang kanyang sex life. Hindi active, meaning hindi raw ito kasing-dalas kapag may karelasyon siya.

Pero ayaw maniwala ng mga bading sa claim na ito ni Luis. Sa dating kasi ni Luis, mukhang siya 'yung tipo na hindi mabubuhay na walang sex.

"Uy, sobra naman ‘yan!" malakas na tawa ni Luis. "Hindi naman ako gano'n. Manyak ba ang tingin nila sa akin tulad ni [name ng isang aktor]! Huwag n'yo na lang isulat, please! Baka sabihin binubuko ko siya! As if naman hindi n'yo pa alam, ‘di ba?"

Hindi nga raw trip ni Luis ang mga one-night stands. Pangmahabaan na relasyon na raw siya. Para sa kanya, ang one-night stands ay parang hindi mo nirespeto ang isang babae.

"Gusto ko kasi ay may kasamang love," diin niya. "Oo masarap ang sex pero mas masarap kapag may love na kasama. Mas fulfilling iyon. Mas buhay na buhay ako kapag sex na may kasamang pagmamahal."

Pero kung hindi niya trip ang one-night stand, bakit niya nabanggit noon na he slept with Kat Alano nang tanungin siya sa isang radio show kung sino sa mga taga-showbiz ang nakasiping na niya. Does it mean na minahal din niya si Kat?

"Malaking mistake ko nga na I even mentioned her name. It wasn't fair to Kat. Nag-sorry na ako sa kanya regarding that. Fault ko iyon kasi masyado na akong na-pressure sumagot noon, eh. Pero tapos naman na iyon. Natanggap na ni Kat 'yung apology ko sa kanya," Luis explained.

At kahit na nga marami nang sexual experience si Luis, nagugulat pa rin daw siya sa mga babaeng hindi niya ini-expect na mas matindi pa ang pangangailangan sa sex kaysa sa kanya.

Ayaw na lang ipabanggit ni Luis ang name ng girl na ito na mula sa showbiz din. Hindi raw niya ini-expect na ito pa raw ang nagyaya sa kanya at talaga naman daw ikinagulat niya ang mga ginawa nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kasi sa tipo niya. Kung titingnan mo siya, para siyang walang alam sa sex. 'Yun pala mas magaling pa sa akin!" malakas na tawa ni Luis. "Pero no names, huh! Lagot ako. Baka sabihin kiss and tell ako!"

"Mabait naman siya, eh. Pero nananahimik na ang career niya. I think she chose na mag-lie low muna. Buti iyon para secret siya."

Mapapanood si Luis sa soap drama ng GMA-7 na Impostora at sunud-sunod ang mga pelikulang ginagawa niya—Signos ng Daven Productions, Desperadas para sa Regal Entertainment, Resiklo ni Bong Revilla para naman sa Imus Productions, at sa horror film na Dagao ng GMA Films kung saan bida sina Richard Gutierrez and Dingdong Dantes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN