Rachelle Ann Go sings praises to sweetheart Christian Bautista

IMAGE 0


"Sinagot ko siya dahil talagang mahal ko siya. Nararamdaman naman niya siguro kung gaano ko siya kamahal. Basta mahal ko siya," replies Rachelle Ann Go when asked how much she loves Christian Bautista.



So far ay maganda ang takbo ng relasyon nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista. Sa loob ng mahigit isa't kalahating taon nilang relasyon ay hindi pa raw sila nag-aaway ng matindi.

"Nagkakatampuhan lang kami kapag kunwari hindi kami masyadong nagkikita, ganoon," sabi ni Rachelle sa PEP (Phillipine Entertainment Portal) nang makausap namin siya noong Linggo, August 19, pagkatapos ng ASAP '07.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Christian, hindi pa raw nila napapag-usapan ni Rachelle ang kasal. Pero kung sakaling magpapakasal na raw siya, ang gusto niya ay nasa edad 30 na siya.

Sa ngayon ay 25 na si Christian while si Rachelle ay 20 pa lang. Okay na ba kay Rachelle na five years from now ay lalagay na siya sa tahimik?

"Hindi natin masasabi," sagot niya. "Mahirap magsalita siyempre kasi iba pa ang utak ko ngayon. Kumbaga, hindi ko pa naiisip ‘yung mag-asawa na agad. Maaga pa na sabihin na ganun. So, hindi pa natin alam.

"Pag minsan naman, napapag-usapan namin ang kasal, pero hindi plano. ‘Yung napapag-usapan lang, nagbibiruan na kunwari with other friends na pag tinutukso kami, ganyan. E, siyempre, kami naman, sinasabi namin parang it's too early pa. Parati naming sinasabi only God knows kung kailan kami magpapakasal."

Gaano niya ba kamahal si Christian?

"Sinagot ko siya dahil talagang mahal ko siya. Nararamdaman naman niya siguro kung gaano ko siya kamahal. Basta mahal ko siya," sabi ni Rachelle.

Paano ba magtampo si Christian?

"Kapag nagtatampo siya sa akin, tahimik lang siya. Pero mawawala na agad pag kinausap ko siya. ‘Ba't ka tahimik?' Tapos wala na."

Paano naman siyang magtampo kay Christian?

"Tahimik lang din ako. Hindi rin ako vocal pag nagtatampo ako sa kanya. Kapag napansin niyang tahimik ako, alam niya nang nagtatampo o naiinis ako sa kanya," kuwento ng singer.

Bago naging boyfriend ni Rachelle si Christian ay balitang nanligaw muna sa dalaga ang kapwa nila singer at kasamahan sa ASAP ‘ 07 na si Jed Madela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nanligaw siya [Jed] sa akin, hindi pa kami magkasama sa ASAP. Nagge-guest pa lang siya sa SOP," kuwento ni Rachelle.

Ano ang dahilan at hindi niya sinagot si Jed? Hindi ba niya type ang first grand winner ng WCOPA (World Champion of the Performing Arts)?

"Hindi naman sa hindi ko type si Jed," sagot niya. "Mabait naman siya. Siguro lang hindi kasi kami masyadong nagkikita noon, unlike Christian, siya ‘yung palaging nakakasama ko. Pag nagtu-tour kami, kami ‘yung pini-pair parang loveteam kaya siguro na-develop na rin ako sa kanya."

Ang pinakagusto raw ni Rachelle na katangian ni Christian ay ang pagiging understanding at sweet nito sa kanya.

"Dati kasi, medyo moody ako. Iniintindi na lang niya ako lagi. Nag-a-adjust siya sa akin. Siyempre, siya 'yung mas matanda!" tawa niya.

"Kaya ko naman nasabi na sweet siya kasi, di ba, busy siyang tao? Pag halimbawang madalang kaming magkita, ang ginagawa niya, sinu-surprise niya ako, pumupunta siya sa bahay umaga pa lang. Paggising ko, nandoon pala siya sa bahay. Tapos, may pasalubong sa akin, ganun. Sweet siya talaga," kuwento ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN