Dingdong Dantes and Marian Rivera: Too close for comfort?

IMAGE 0


"Ang level of friendship namin ngayon ni Marian, baka masira kung magkakaroon kami ng relasyon. Mas mabuti na ganito ang relasyon namin. What's important kung paano namin ipu-portray ang aming mga roles na hindi kami naiilang sa isa't isa," says Dingdong Dantes about his relationship with Marimar co-star Marian Rivera.



Dumalo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa selebrasyon ng Kapuso Day sa 2007 Kadayawan Festival sa Davao City last August 17 to 19.

Hindi maganda ang weather sa Manila nang umalis kami, pero pagdating namin sa Davao ay mainit doon. Kasing-init ito ng pagtanggap ng mga taga-Davao sa lead stars ng Marimar na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na nag-perform noong second night.

Punung-puno ang activity center ng NCCC Mall at napakalakas ng tilian ng mga tao nang unang lumabas si Dingdong at pagkatapos niyang tawagin si Marian. Lalo silang nagtilian nang sumayaw na ang dalawa. Hindi na alam ng mga fans kung paano nila kukunan ng picture ang dalawa habang sumasayaw at lalo na nang pumayag sina Dingdong at Marian na mag-kiss bago sila tuluyang nagpaalam.

Nagkaroon ang PEP ng pagkakataon na makausap sina Dingdong at Marian over dinner sa Bistro Rosario pagkatapos ng show. Namula si Dingdong nang tanungin namin tungkol sa totoo nilang relasyon ni Marian ngayon. Napaka-sweet kasi nila sa isa't isa at madalas silang magka-holding hands, tulad nang nakita namin habang magkatabi sila sa dinner table.

"Let's just say na we're very comfortable with each other," sagot ni Dingdong. "Siguro dahil for the first time, simula nang gumawa ako ng mga fantaserye, ngayon lang ako gumaganap ng totoong tao. Kailangang medyo sexy pa ang dating ko dahil kailangan kong pantayan ang pagiging sexy ni Marian bilang si Marimar. I believe na it takes one to know someone para magawa ang role, plus ‘yong trust namin sa isa't isa na ‘yon ang dapat naming gawin dahil ‘yon ang hinihingi ng role."

Kung wala ba siyang Karylle ngayon ay liligawan niya si Marian?

"May posibilidad," pag-amin ng young actor. "Hindi mahirap mahalin si Marian, pero walang comparison sa kanila ni Karylle. Ang level of friendship namin ngayon ni Marian, baka masira kung magkakaroon kami ng relasyon. Mas mabuti na ganito ang relasyon namin. What's important kung paano namin ipu-portray ang aming mga roles na hindi kami naiilang sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nagustuhan niya kay Marian?

"Wala siyang itinago, she's open, she's not afraid to give out herself. Kaya ako, naging open na rin ako sa kanya. Sa audition pa lang, nakita ko na kung gaano siya ka-professional. Doon pa lang na-prove ko nang siya na nga si Marimar. She was able to make me believe, bago ang mga tao, ako muna.

"Iyong reception ng mga tao sa amin noong nagmu-mall show kami, bago ang pilot telecast, nakakatuwa. Ganun na sila kainit sa pagtanggap sa amin kahit wala pa silang napapanood. I can safely say na malayo ang mararating ni Marian. Timing niya, perfect. Experience na lang ang lalong magpapadagdag sa kanyang kakayahan," pahayag ni Dingdong.

Ano naman ang nagustuhan ni Marian kay Dingdong?

"Kapag nagkikita kami noon sa SOP, parang napakasuplado ang dating niya. Hi, hello lang kami. Pero nang makasama ko na siya sa taping, ang bait-bait pala niya and very supportive," kuwento ni Marian.

Dagdag pa niya, "Since first time naming nagkasama, nakatulong din sa amin ‘yung bonding workshop namin. Kung nakikita po kaming sweet sa isa't isa, dahil very comfortable na po kami at saka kailangang ‘yon ang gawin namin dahil ‘yon ang hinihingi ng role. Ang role ko kasi, inosenteng may pagka-flirt at sobrang in love kay Sergio at nagawa ko iyon sa tulong nina Direk Joyce Bernal at Mac Alejandre at ni Dong."

Itinanggi rin nina Dingdong at Marian ang intriga na kailangang makita silang laging sweet para kagatin ng mga tao ang kanilang tambalan?

Napansin ng PEP na may nabago na kay Marian, hindi na siya ‘yung dating tahimik lamang kapag ini-interview.

"Opo, maraming nabago sa akin dahil po sa Marimar," sabi ni Marian. "Kung dati ay ayokong magsuot ng damit na makikita ang cleavage ko, ngayon, mga ganung damit na ang madalas kong isuot. Mas type ko na rin ang kulot na buhok, kahit medyo mahirap ang hair extension, pero alaga naman ako ng hairstylist ko. Lagi na rin akong naka-high heels ngayon, dati mas comfortable ako sa pants and rubber shoes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware ba si Marian na may mga nagsasabing nagseselos sa kanya si Karylle, ang girlfriend ni Dingdong?

"May nagsasabi po sa akin, pero wala po namang dapat ipagselos. Kapag nagge-guest ako sa SOP, hindi man kami chika, kapag nakita ko siya, dumidiretso ako sa kanya at binabati ko po siya," sabi ng young actress.

Last August 2 ay nag-birthday si Dingdong; si Marian naman last August 12. Ano ang gift nila sa isa't isa?

"Isang anti-gravity chair ang gift ko sa kanya," sabi ni Dingdong. "Napaka-hyper ni Marian during the taping, pero pagkatapos, napapansin kong nasa isang tabi na lang siya dahil pagod na siya at makakatulong sa kanya ang chair na ‘yon."

Sabi naman ni Marian, "Perfume ang gift ko sa kanya. Ginagamit lang niya ‘yon kapag nagte-taping kami kasi bagay daw sa mainit na panahon, tulad ng location namin sa San Antonio, Zambales."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN