Baby Bean makes Julia Clarete smile nowadays

IMAGE 0


"I try to cope kapag hindi kami magkasama. Nakaisip na nga ako ng paraan. Huwag kayong magulat na may makita kayong mittens ng bata sa jacket ko kapag nagpe-perform ako. Kasi dala ko talaga ‘yon at saka parati kong inaamoy," shares Julia Clarete about her son, Bean.



Ibang-iba na ang dating ni Julia Clarete nang ma-interview ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) nang minsang bumisita kami sa live telecast ng Eat Bulaga! sa Broadway Centrum. Aminado si Julia na dati'y punumpuno siya ng angst, pero ngayon ay halos napapangiti na raw siya sa kahit anong bagay.

Ang pinanggagalingan ng kanyang saya ay ang kanyang anak na si Sebastian o si Bean.

Isinama ni Julia si Bean sa set ng Eat Bulaga! at kitang-kita namin kung paano panggigilan at pagpasa-pasahan ng mga tao roon ang sanggol.

"Normally, hindi ko talaga pinapayagang lumabas ng bahay ang baby ko. Only for you," patawang sabi sa amin ni Julia.

Hati ang hitsura ni Bean. Ang kanyang mga mata ay nakuha niya sa kanyang ama na si Stephen Uy, na naging trainor dati ni Angel Locsin sa Darna sa tuwing gagamit ng harness ang young actress para sa flying scenes nito.

Ang hugis naman ng mukha ni Bean ay kuhang-kuha sa kanyang mommy. Mabilog at talagang healthy ang baby ni Julia.

"I try to be hands-on hanggang kaya ko. Ang hirap kasi iwan, talagang nanggigigil ako," kuwento ni Julia.

"I try to cope kapag hindi kami magkasama. Nakaisip na nga ako ng paraan. Huwag kayong magulat na may makita kayong mittens ng bata sa jacket ko kapag nagpe-perform ako. Kasi dala ko talaga ‘yon at saka parati kong inaamoy."

As early as now, napagkasunduan na raw nina Julia at Stephen ang detalye ng edukasyon ni Bean. Ito raw kasi ang una nilang naisip, lalo pa't pabata na nang pabata ang edad ng mga nagsisimulang mag-aral.

Hindi rin daw maghihigpit si Julia kung papasukin ng anak ang showbiz balang-araw. Basta ituturo raw niya ang balanse sa paglalaro, pagtatrabaho, at pag-aaral.

Kapansin-pansin naman ang pagbalik ng pangangatawan ni Julia noong siya ay dalaga pa. Biro ng marami, parang hindi raw siya nanganak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Breastfeeding ang sikreto ko. Ang lakas talagang makapayat. Healthy na ang baby ko, sexy pa uli si Mommy!" pagmamalaki ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN