KC Concepcion to sign up with ABS-CBN and Star Cinema

IMAGE 0


Now that she has completed her course in Paris, KC Concepcion has decided to stay in the Philippines and pursue a career in show business. The daughter of Megastar Sharon Cuneta is expected to sign up with ABS-CBN and Star Cinema any day now.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang taong konektado sa ABS-CBN. Sinabi nito na any day now ay puwede nang pumirma ng kontrata si KC sa ABS-CBN at Star Cinema.

Pagkatapos niyang mag-graduate sa kanyang kurso sa Paris, ay nakapagdesisyon na raw si KC na mag-stay na muna rito sa Pilipinas, kapiling ang kanyang ina na si Sharon Cuneta, ang kanyang stepdad na si Senator Kiko Pangilinan, at mga kapatid na sina Frankie at Miel na na-miss na rin niya nang matagal. Papasukin na rin daw ni KC ang mundo ng showbiz.

"Matagal nang nililigawan ng ABS-CBN at Star Cinema si KC, kaya lang, priority talaga nito ang makatapos muna ng studies niya sa Paris," sabi ng source ng PEP.

"Siguro, ngayong tapos na siya, nag-isip na rin siya. Hindi naman kataka-taka dahil galing siya sa isang pamilya ng mga artista, at tinanggap na niya ang offer. Kung nahilig siya sa theater, bakit hindi rin siya mahihilig sa television and movies? Mauuna nga lang siyang mapanood sa Channel 2 through a TV special."

Dagdag pa ng aming source, "Remember noong time na nagkakagulo ang kampo ni Angel Locsin tungkol sa paglipat niya sa ABS-CBN? Noon naman ‘yung time na pumunta na si Sandra Chavez of Artist House kay KC sa France.

"Hindi ba, nagpaiwan pa si KC pagkatapos mag-attend ng graduation niya last July 23? Gusto raw muna niyang mamasyal sa iba-ibang lugar doon, bisitahin ang mga friends and classamates niya, sumakay sa train.

"Iyon na ang simula ng isang TV special na si Chit Guerrero ang siyang nag-supervise ng shoot. It's a homecoming special for KC pagkatapos ng ilang taong pag-aaral niya sa American University of Paris. The said homecoming TV special ay mapapanood na next month.

"Si Sandra ang manager ni KC na in-assign ni Sharon at siya rin ang nakikipag-negotiate para kay KC. At 22 [years old], hindi na niya kailangan ang consent ng parents niya sa pagpirma ng kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang alam ko" patuloy niya, "matagal na ring in-assign ng Star Cinema si Joey Reyes na sumulat ng script at siya ring magdirek ng first movie ni KC. Si Piolo Pascual ang makakatambal niya."

Tinanong ng PEP ang source kung ang remake ng Dear Heart, na unang pinagtambalang movie ng mga magulang ni KC na sina Sharon at Gabby Concepcion, ang gagawin ni KC as her first movie. Baka ito rin ang dahilan kung bakit ayaw ni Sharon na ipagawa sa iba ang nasabing pelikula dahil gusto niyang ang sariling anak ang gumawa nito.

"I'm not sure kung bagong script ng Dear Heart o original script ni Joey Reyes ang ginawa niya," sagot ng PEP source.

Kailan naman pipirma ng contract si KC sa ABS-CBN, tanong namin sa aming source?

"Hindi ko pa alam kung kailan. Pero nakabalik na si KC from Paris last week at bonding-bonding pa silang mag-anak ngayon. For sure, hindi iyan ililihim ng ABS-CBN."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN