Mother Lily gets emotional while talking about unresolved conflict with Angel's camp

IMAGE 0


Regal matriarch Mother Lily Monteverde cried at the presscon of My Kuya's Wedding while talking about the unresolved conflict with Angel Locsin's camp, in relation to the young actress' contract with Regal and Star Cinema.



Naluha si Mother Lily Monteverde sa presscon ng My Kuya's Wedding kahapon, August 23, dahil sa hindi pa rin nareresolba ang kaguluhan sa kontrata ni Angel Locsin sa Regal Entertainment.

Matatandaang kasabay ng pagpirma ng kontrata ni Angel sa ABS-CBN ang movie contract niya sa film arm nito na Star Cinema. Pero ayon kay Mother Lily ay hindi dapat pumirma ng kontrata si Angel sa Star Cinema dahil hindi pa tapos ang exclusive contract ng young actress sa Regal.

Mariin naman itong pinabulaanan ng kampo ni Angel at sinabing higit pa sa bilang ng dapat niyang gawing pelikula sa Regal ang natapos ng young actress. Kaya malaya na raw itong makagawa ng pelikula sa ibang film companies.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Mother Lily kay Angel, sa kanyang manager na si Becky Aguila, at maging sa Star Cinema. Ani Mother Lily, tila binalewala siya ng mga ito.

"Kaya nga nasa showbiz tayo, e. Hindi puwedeng puro pera na lang. Kahit negosyante ako, emotional din ako, kaya nakakalungkot ang mga pangyayari na feeling ko, ipinagpalit ako sa isang taong ngayon lang naman nila nakilala," pahayag ni Mother Lily sa isang panayam.

Sa presscon ng My Kuya's Wedding ay sinabi ni Mother Lily na nakatakda siyang makipag-meeting ngayong araw, August 24, sa managing director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos. Umaasa ang Regal matriarch na maging maayos ang kanilang meeting at maresolbahan ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil maliit lang naman daw ang showbiz industry.

Naluha si Mother Lily nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya sa pagpirma ng kontrata sa Regal ng lead star ng My Kuya's Wedding na si Maja Salvador. Nagpasalamat si Maja sa Regal matriarch at sinabing "Thank you for trusting me." Ito rin daw kasi ang mga katagang binitiwan ni Angel noong halos nagsisimula pa lang siya sa showbiz at binigyan ng pagkakataon ni Mother Lily na gumawa ng pelikula sa kanyang film company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakda sanang gawin ni Angel ang pelikulang When I Met You (tentative title) para sa Regal kung saan makakatambal niya si Dennis Trillo. Pero dahil sa hindi pa rin nareresolba ang alitan sa pagitan ng Regal at ng kampo ni Angel, pinalitan na ang bagong Kapamilya star ng tinaguriang "next big star" ng GMA-7 na si Marian Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN