Mark Herras insists he is not courting Marian Rivera again

IMAGE 0


"Never akong bumalik kung sinuman ang naging karelasyon ko noon. Para sa akin, ganun lang ang gusto kong mangyari, kapag tapos na, tapos na," says Mark Herras about the rumor that he is courting Marian Rivera again.



During break time sa taping ng Fantastic Man ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lead star nitong si Mark Herras, na abalang-abala sa paglalaro ng kanyang Game Boy. Sandali ngang itinigil ni Mark ang paglalaro at saka sinagot ang mga tanong namin.

Natatawa lang ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor nang tanungin namin kung bakit sa lahat ng alaga ng kanyang manager na si Lolit Solis ay siya ang itinuturing nitong pinaka-pasaway. Sinabi ‘yon ni Manay Lolit during her guesting sa "Balakubak" segment ng Nuts Entertainment.



"Ewan ko ba kay Nanay [Lolit] kung saan niya nakuha ‘yung pasaway na ‘yon. Siguro nagti-trip lang si Nanay. Kasi, never naman akong naging pasaway. Never naman niya akong naging sakit ng ulo. Siguro lang, baka kaya niya nasabing pasaway, like sa babae before. Pero noon pa ‘yon," natatawang depensa ni Mark.



Ayon kasi kay Manay Lolit, pasaway nga raw si Mark dahil tulad daw ngayon, tipong type na naman niyang balikan si Marian Rivera. Dati kasing naging open si Mark na nililigawan niya ang dalaga.



"Ah, wala...wala...hindi po totoo ‘yon," tanggi niya. "Kasi ako naman, never kong binalikan kung sinuman ang naging [girlfriend] ko before."



Diretso niya bang sinasabi na hindi na niya babalikan si Marian?



"Wala, wala akong plano," tahasan niyang pahayag.



Pero nabanggit ni Marian sa nakaraang presscon ng Marimar na may pagkakataon pa rin na nagte-text si Mark sa kanya. Totoo ba ‘yon?



"Siguro that was the time na nag-congratulate ako sa kanya for Marimar. Pero walang ibig sabihin ‘yon. Hindi ko naman siya nililigawan," paglilinaw ni Mark.



Masasabi niya bang nakapag-move on na siya o na-overcome na niya kung anuman ang naramdaman niya noon para kay Marian?



"Ayoko namang sabihin na move on," sambit niya. "Pero ako, never akong bumalik kung sinuman ang naging karelasyon ko noon. Para sa akin, ganun lang ang gusto kong mangyari, kapag tapos na, tapos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa ngayon lang, ayoko lang na...unang-una, sobrang busy nung tao. Ang gandang break sa kanya ng Marimar. Ayoko lang na isipin ng mga tao na binabalikan ni Mark ‘yan kasi may Marimar. Baka sabihin lang nila, ginagamit ko lang si Marian for showbiz purpose, di ba? Ang pangit naman, di ba?" paliwanag ng young actor.



Masaya raw siya para kay Marian at sa magagandang opportunities na dumarating sa career nito ngayon, lalo na sa Marimar na alam niyang magandang break talaga para sa dalaga.



Pero sa kabila nito, wala raw panghihinayang sa kanya kung hindi man siya ang naging leading man or ka-loveteam ni Marian.



"Hindi, walang regret," sabi niya. "Ako kasi, never naman akong nagkaroon ng regret. Hindi nga ako nanghinayang kung anuman ang nangyari before or kung meron man akong naging relationship. At least, once in our lives, nagkaroon kami ng relationship."



Hindi naman itinanggi ni Mark na mas sexy ngayon ang dating nililigawan.



"Mas sexy talaga ngayon si Marian. Mas payat siya ngayon, sobra! Ang laki ng ipinayat niya. Pero siyempre, maganda naman talaga si Marian ever since," pahayag ni Mark.



Mas attracted ba siya kay Marian ngayon?



"Well, tulad nga ng sinabi ko, ever since naman, maganda si Marian," sagot niya. "Pero ako talaga, mas attracted ako sa ugali. E, sobrang malambing si Marian. Kumbaga, ngayon naman, kung may nabago man sa kanya, mas pumayat lang, mas sumeksi, humaba ang buhok, ‘yon lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN