Rica Peralejo waits for love that will make her complete

by Rose Garcia
Aug 25, 2007
"Naniniwala kasi ako na may isang para sa iyo, isa lang ‘yon. Puwede akong maghintay, pero hindi pa rin naman ako sigurado kung talagang meron para sa akin, puwede rin naman kasing wala," says Rica Peralejo.


Pagkatapos ng relasyon niya kay Bernard Palanca, Rica Peralejo swears na wala pa rin siyang bagong love life hanggang ngayon. Pero aniya, hindi naman nangangahulugang hindi rin siya masaya sa buhay niya.



"Wala talaga!" bulalas niya sa PEP (Philippine Entertainemnt Portal) sa presscon ng Pangarap Na Bituin. "Hindi talaga ako...alam n'yo kasi siguro, sobrang nagawa ko ng lahat noong bata ako. Parang feeling ko, sige, nag-boyfriend ka. Payag naman, legal naman. Magseryoso ka? Okay din!



"Pero wala roon ang kaligayahan, sa puso mo lang talaga. If you're not happy na ikaw lang and you don't feel complete, e, ever since naman, hindi ako nagbu-boyfriend to be happy. Lumalapit ‘yung lalaki sa akin, doon ko lang nakikita na okay siya. Pero hindi ako mahanap talaga," paliwanag pa niya.



Na-trauma ba siya sa pakikipagrelasyon niya kay Bernard kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok sa isang panibagong relasyon?



"Hindi naman traumatic, pero siyempre, masakit. But at the same time, hindi rin naman ‘yon ang rason kung bakit hindi pa rin ako nagbo-boyfriend," ani Rica.

Continue reading below ↓



Aminado naman si Rica na marami pa rin ang nagkaka-gusto sa kanya at umaaligid-aligid, pero hindi raw talaga ito ang priority niya.



"Naniniwala kasi ako na may isang para sa iyo, isa lang ‘yon. Puwede akong maghintay, pero hindi pa rin naman ako sigurado kung talagang meron para sa akin, puwede rin naman kasing wala," pagtatapos na niya.

Read Next
Read More Stories About
Rica Peralejo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naniniwala kasi ako na may isang para sa iyo, isa lang ‘yon. Puwede akong maghintay, pero hindi pa rin naman ako sigurado kung talagang meron para sa akin, puwede rin naman kasing wala," says Rica Peralejo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results