Jason Abalos not yet fully developed for sexy roles

IMAGE 0


"Bata pa naman po tayo kaya may mahabang time pa para ma-develop ang mga kailangang i-develop," says Jason Abalos about the possibility of going sexy.



Pinagtatakhan ng young actor na si Jason Abalos kung bakit parati siyang pinaghuhubad sa mga pelikula at TV show na ginagawa niya. Tulad na lang sa My Kuya's Wedding ng Regal Entertainment, kung saan siya ang leading man ni Maja Salvador.



Natatawa nga si Jason sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Kuya's Wedding dahil pakiramdam niya ay ginagawa siyang bold actor.



"Ewan ko ba, akala yata nila macho ako!" malakas na tawa ni Jason.

"Nagsimula kasi ‘yan noong gawin ko 'yung All About Love. Di ba, pinaghubad ako doon sa eksena namin ni Angelica [Panganiban]? Tapos ginawa ko 'yung Maalaala Mo Kaya with Judy Ann Santos na pinaghubad din ako. Ngayon, dito sa My Kuya's Wedding, may hubad na eksena rin ako. Feeling ko sa susunod kong movie, maghuhubad na ako nang tuluyan!"



Sa edad nga ni Jason na 21 ay puwede na siyang gumawa ng sexy movies at sumabak sa mga sexy pictorials. Okay lang naman daw for Jason dahil lalaki naman daw siya at malaking bagay ‘yung hinahangaan ang kanyang katawan. Pero sa tingin niya ay masyado pa siyang payat. Hindi pa raw fully developed ang kanyang pangangatawan.



"Actually, underweight pa ako for my height. 5'10" kasi ako at 150 pounds lang ako. Dapat daw at least 165. Kaya kailangan kong mag-workout para mas lumaki pa ako. Kaso, hindi ko magawang pumunta ng gym kasi parati akong puyat. Bawal mag-workout kasi kapag puyat ka, e," paliwanag niya.



Kung sakaling handa na ang katawan ni Jason para sa pagpapa-sexy pictorial, may limitations ba siya o okay lang na kunan siya sa anumang anggulo?



"Siyempre po, may limitations," sagot niya. "Kailangan may takip dito, dito at dito!" Natatawang itinuturo ni Jason ang mga maseselang parte ng katawan niya.

"Mahirap na 'yung makikita siya, e, ka-loveteam ko po si Maja. Dapat pambata pa muna kami at hindi pang-adults."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano sa palagay niya ang pina-sexy na parte ng katawan niya?



"Hindi ko po alam, e. Pero may mga nagsasabi na maganda 'yung height ko. Bagay daw sa akin. Tapos may abdominal muscles na ako. Bagay rin daw. I-workout ko lang daw nang husto, mas magandang lalabas."



Okay lang ba na nagiging pantasya siya ng mga babae't bading?



"Okay lang po siguro!" tawa niya ulit. "Hindi ko naman kinu-consider ang sarili ko na sexy, e. Ang mga sexy yata, sila Rafael Rosell, Sam Milby, Piolo Pascual. Sila ‘yung talagang nagiging pantasya ng marami. Ako, hindi naman kasali sa kanila. Iba pa rin ako, e. Pambata pa rin daw ako."



Kung sakaling alukin siya na mag-pose nang nude sa malaking halaga, papayag kaya siya?



"Ha? Nude po ba? Parang mahirap yatang gawin ‘yon. Considering na ka-loveteam ko si Maja, baka makasira pa sa team-up namin. Siguro kapag nasa tamang panahon na lang. ‘Yung tipong kaya na namin ni Maja na mag-solo.



"Baka by that time ma-consider ko nang mag-sexy talaga. Bata pa naman po tayo kaya may mahabang time pa para ma-develop ang mga kailangang i-develop," pagtatapos ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN