Angelu de Leon celebrates birthday with new inspiration

IMAGE 0


"Huwag na nating ilagay ang name niya kasi hindi siya from showbiz... hindi ko pa naman siya boyfriend. Baka maudlot pa kaya 'tsaka ko na siya pag-uusapan kapag official na kami na," says Angelu de Leon about her suitor.



Nag-celebrate ng kanyang ika-28th birthday ang aktres na si Angelu de Leon noong nakaraang August 23. Ginanap ito sa Warehouse club sa Makati City. Mga close friends ni Angelu sa labas ng showbiz ang nagbigay ng birthday party sa kanya.

Kapansin-pansin na ang laki na naman ng ipinayat ni Angelu at mukhang dalaga na naman siya ngayon.



Ayon kay Angelu, masaya raw siya ngayon dahil may nagpapaligaya sa kanya. Inamin ng aktres na may inspirasyon siya ngayon. Itinuro nga ni Angelu sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang kanyang tinatawag na inspiration na nasa birthday party niya. Guwapo!



"Huwag na nating ilagay ang name niya kasi hindi siya from showbiz," pakiusap ni Angelu. "Nahihiya nga siya noong may TV camera na dumating. Nagtatago siya. Kaya huwag na lang nating ungkatin because hindi ko pa naman siya boyfriend. Baka maudlot pa, kaya 'tsaka ko na siya pag-uusapan kapag official na kami na."



Kinumusta rin namin kay Angelu ang kanyang mga anak na sila Nicole at Lois. Okay naman daw ang mga bagets at patuloy silang nag-aaral.



Sinusulit nga raw ni Angelu ang mahabang panahon niya with the kids dahil muli na naman siyang sasabak sa trabaho. Magsisimula na ulit ang Book 2 ng Super Inggo sa ABS-CBN kaya magiging busy ulit siya.



"Matagal din akong walang regular [show] at puro guestings lang ako," sabi ni Angelu. "Okay lang kasi nagkaroon ako ng maraming time for my kids. Hinahatid ko sila sa school at nagkakapag-attend ako ng mga PTA meetings. As in, parent ang drama ko parati."



Inalam din namin kay Angelu kung aware ba siya na boyfriend ngayon ni Sunshine Dizon ang ex-bf niyang si Jojo Manlongat, na ama ng isang anak niya?

"Oo naman, alam ko ‘yan. Ako pa ba ang mahuhuli sa mga ganyang chika?" sabay tawa niya.



"May nagsabi sa akin tungkol sa kanila and that's great. At least, happy naman sila. Kilala ko naman si Sunshine, e. We had the same manager before, si Tita Veanna [Fores] nung mga bagets pa kami. I think they make a great pair."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang kumustahin namin ang isa pang ama ng kanyang anak, si Joko Diaz, sinabi ni Angelu na nagkausap sila ng sister nito kailan lang. Napag-alaman ni Angelu na muli na naman daw na-stroke ang ama ni Joko na si Paquito Diaz. Kaya abala raw ngayon si Joko sa pag-aalaga ng ama.



"I'm praying for Tito Kits to get better. Kahit hindi kami nagkatuluyan ni Joko, mabait sa akin si Tito Kits at mahal na mahal niya ang apo niyang si Nicole," sabi ni Angelu tungkol kay Paquito Diaz, na dating character actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN