Dranreb Belleza: "Nothing to worry about me and Mom."

IMAGE 0


"I never knew that a lot of people still cared for me and still love me. Thank you for your prayers. All I wanted to do was say hello and tell them how much I missed them. I am going through so many, many things. I have their hands for me to hold, as I go through these medical tests and diagnoses," says Dranreb Belleza.




Taon na ang bibilangin sa pagiging magkaibigan namin ng dating aktor na si Dranreb Belleza. Nang tumungo na siya sa U.S. at doon na nanirahan sa piling ng kanyang inang si Divina Valencia, sa Internet na lang kami nagkakabalitaan.

Madalas, ang mga balita niya ay may kinalaman sa mga exhibits na ginagawa niya, kung hindi sa New York ay sa ibang parte ng Europe. He enjoyed his life as a painter kahit na madalas pa rin niyang ma-miss ang showbiz.



Matagal nang nabanggit sa amin ni Dranreb ang tungkol sa kanyang karamdaman sa buto. Nang magpa-check-up pa lang siya at sinabi na ng doktor niya ang kanyang sitwasyon, wala nang puknat ang palitan namin ng balita sa Internet.



Sa totoo lang, ayaw ni Dranreb na ipaalam ang tungkol sa sakit niya dahil ayaw niya raw na kaawaan siya ng mga tao. Kaya kahit naman hirap na hirap ito sa bukol niya sa likod, gustong-gusto pa rin niya ang may kausap.

Kaya masama ang loob ni Dranreb sa nangyari sa naging interview sa kanya sa Showbiz Central noong nakaraang Linggo dahil ang usapan nga lang daw ay kumustahan. Ito ang pinag-uugatan ng alitan nilang mag-ina.



Simple lang naman daw ang gusto niyang sabihin sa interview—ang huwag mag-panic sa kanyang kalagayan. Kung bakit daw kailangan pang palakihin ng mga tao at lagyan ng ibang kulay ang kanyang karamdaman. Ganunpaman, nagkaayos na sila ng staff ng Showbiz Central at nag-aplogize pa nga siya sa mga naging pahayag ng kanyang ina.



Sa ngayon, simple lang ang gustong sabihin ni Dranreb sa lahat ng nagpa-abot ng kanilang concern.



"I never knew that a lot of people still cared for me and still love me. Thank you for your prayers. All I wanted to do was say hello and tell them how much I missed them. I am going through so many, many things. I have their hands for me to hold, as I go through these medical tests and diagnoses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It is scary. Any person who goes through a malady is scared and worried. Pero nothing to worry about me and Mom. Dahil naayos na ang misunderstanding. Alam mo naman ang mga nanay, they are there to protect and shield their children from any kind of hurt," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN