Luis Manzano shrugs off intrigue that he is using Angel Locsin

IMAGE 0


"I couldn't care less. Bahala silang... Medyo kahit paano, of course—hindi man ako parang Mommy [Vilma Santos] at Daddy [Edu Manzano] ko na sobrang tagal na dito sa industriya—pero I know the ins and outs. Lahat ng tao may masasabi. Alam ko, isa ako sa pinaka-vocal na tao at sinasabi ko lang kung ano yung nararamdaman ko," states Luis Manzano.



Nagsimulang ma-link sina Luis Manzano at Angel Locsin nang may makakita sa kanila na nag-dinner sa Grams, isang restaurant sa ABS-CBN, at nang panoorin ni Luis si Angel sa taping nito ng Kapamilya Deal or No Deal ng ABS-CBN.

Inamin naman ni Luis na noon pang nasa GMA-7 si Angel ay crush na raw niya ang young actress. Kaya inilalapit niya ang sarili sa dalaga ngayong magkasama na sila sa bakuran ng ABS-CBN.

Pero sa ginawang pag-amin na ito ni Luis, tinawag siyang "user" ng kanyang detractors. Ayon sa mga bumabatikos kay Luis, bakit ngayon lang daw niya nasabi na crush niya si Angel kung kailan lumipat ito sa Kapamilya network. Halatang-halata raw talaga na ginagamit niya si Angel dahil sikat ito. Gusto niya lang daw madikit ang pangalan niya sa dating girlfriend ni Oyo Sotto para mapag-usapan siya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis kahapon, August 26, pagkatapos ng live presentation ng ASAP '07, kung saan isa siya sa mga regular host. Kinuha namin ang kanyang reaksiyon tungkol sa mga paratang sa kanya.

"Kung ‘yon ang basehan, hindi na lang ako magsasalita about it. Nakapag-decide na ako, anything to do with that, tatahimik na ako. Pero hindi ko ihihinto ang buhay ko para kaninuman," mariing sabi ni Luis.

Nasaktan ba siya sa bansag na isa siyang "user"?

"Hindi, iba na lang ang atake ko ngayon," sagot niya. "I couldn't care less. Bahala silang... Medyo kahit paano, of course—hindi man ako parang Mommy [Vilma Santos] at Daddy [Edu Manzano] ko na sobrang tagal na dito sa industriya—pero I know the ins and outs. Lahat ng tao may masasabi. Alam ko, isa ako sa pinaka-vocal na tao at sinasabi ko lang kung ano 'yung nararamdaman ko."

Masasabi ba niyang misinterpreted siya dahil sa pagiging vocal niya?

"Hindi naman siguro misinterpreted. Kasi vocal ako, honest ako, so paanong mami-misinterpret ang honesty din, di ba? So basta ako tatahimik na lang ako," aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy pa rin ba ang friendship niya kay Angel?

"Oo naman, tuloy ang friendship," sagot niya. "Definitely, tuloy ang buhay ko. Pero iba na lang ang atake ko pagdating sa mga issues. For once in my life, tatahimik ako. Gusto ko namang masubukan na tahimik naman instead of being very vocal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN