Yilmaz Bektas reveals plans for his next return to Philippines

IMAGE 0


"We will gonna continue again our marriage after we got the blessingfrom her family and from my family, and we're gonna be fine. It's finenow," says Yilmaz Bektas about his relationship with Ruffa Gutierrez.



Sa pag-alis ni Yilmaz Bektas sa Pilipinas noong August 21 pabalik ng Istanbul ay inihayag niya ang mga plano para sa kanyang pamilya. Mabigat ang kanyang loob dahil hindi niya nakasama ang kanyang asawang si Ruffa Gutierrez at ang kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

"I look right now not I'm sad or upset. I'm leaving them here but I'm gonna come back again," lahad ni Yilmaz sa panayam sa kanya ng The Buzz.



Kung meron man daw nagpagaan sa kanyang kalooban sa kanyang pag-alis, iyon ay ang magandang kinahinatnan ng relasyon nila ni Ruffa ngayon. Ito ay matapos ang ilang buwang hindi pagkikita at pagpapalitan ng masasakit na salita bunsod ng paghihiwalay nila.



"It's perfect," sambit ni Yilmaz. "We will gonna continue again our marriage after we got the blessing from her family and from my family, and we're gonna be fine. It's fine now."



Dalawang beses naudlot ang pag-alis ni Yilmaz sa Pilipinas, pero sa loob ng 11 days na nanatili siya rito ay marami naman daw silang napag-usapan ni Ruffa. Isa na rito ang plano niyang bumili ng bahay rito sa Pilipinas na titirhan nilang mag-pamilya.



"I want a condo in Manila. We' re looking a house for us and we're gonna buy the house," ani Yilmaz.



Na-touch naman si Ruffa nang marinig niya ang sinabi ng asawa. Pero bukod sa bahay ay gusto ring pakasalan ulit ni Yilmaz si Ruffa. Hinihintay lang daw ni Ruffa ang proposal ni Yilmaz at ang pakikipag-usap nito sa kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.



"We wanna make one a wedding. I wanna see again when she's wearing the gown," sabi ni Yilmaz.



Sumagot naman si Ruffa, "Yeah, I'm waiting for the ring and I'm waiting for him to propose again."



"We will do that," pagsang-ayon naman ni Yilmaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang kapanayamin naman ng mga co-host niya sa The Buzz si Ruffa, siniguro nitong hindi niya iiwan ang mga natanguang commitment niya sa bansa kahit pa nagkaayos na sila ni Yilmaz.



"I value myself and I value the commitment that I agreed to work on. So, hindi puwede na umalis ako ngayon kasi siyempre, nung time na wala akong kakampi, nung time na kailangan ko ang tulong ni Mother Lily [Monteverde], ng ABS-CBN, ninyo, nandito kayong lahat para sa akin.

"So, ibig sabihin nagkabati kami ni Yilmaz or something, aalis na ako? What if something happens na naman there [Istanbul], babalik ako? Baka ang ending para akong the woman who cried wolf. Wala nang maniniwala at wala nang kukuha sa akin. So, I have to stick with my decision to stay here," pahayag ni Ruffa.

Nilinaw rin ni Ruffa ang balitang nagkabalikan na sila ni Yilmaz.

"He came here, nag-usap kami. Marami kaming napag-usapan, but I guess, that was just the beginning. Marami pa kaming kailangang ayusin, marami pa kaming kailangang pag-usapan. So, kung sasabihin mo kung nagkabalikan kami, hindi kami nagkabalikan," diin niya.

Ayaw na raw mag-commit ni Ruffa because she doesn't want to commit the same mistake kaya she's taking her time sa pagdedesisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN