Nikki Gil on Geoff Eigenmann: "We're better off as friends."

IMAGE 0


"Matagal na naming napag-usapan na we're better off as friends, kasi we're better people kapag magkaibigan lang kami. May mga subjects kasi kaming hindi napagkakasunduan, so paano pa kapag nagkaligawan na kami?" explains Nikki Gil about her relationship with Geoff Eigenmann.



Elementary students pa lang ay magkaklase na sina Nikki Gil at Geoff Eigenmann sa isang exclusive school. Si Geoff ay anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar at si Nikki naman ay pamangkin ng scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa-Gil.

Unang pumasok sa pag-aartista si Geoff sa GMA-7 bago siya lumipat sa ABS-CBN to star opposite Heart Evangelista sa Hiram.

Si Nikki naman ay nakilala dahil sa kanyang Coke commercial as the girl who sings while walking and distributing the softdrink along the way.

Sa ABS-CBN din pumasok si Nikki at ang first big project niya ay Rounin opposite Geoff.

Dito nagsimula ang tsismis sa kanila. After Nikki broke up with Gab Valenciano, Gary Valenciano's son, napag-usapan ang closeness nina Nikki at Geoff. Mula naman sa umpisa ay never nagsalita na nagkakaligawan sila.

"Geoff has been a close friend since we were children," sabi ni Nikki during the birthday presscon ng ABS-CBN Star Magic. The single girl turned 20 last August 23.

"Nagugulat nga ako kapag sinasabing nanliligaw siya sa akin kasi hindi ko naramdaman ‘yon kahit noon sa taping sa Rounin. Siguro it's because kami ang partner sa soap kaya people think naging kami or at least magiging kami.

"Matagal na naming napag-usapan na we're better off as friends, kasi we're better people kapag magkaibigan lang kami. May mga subjects kasi kaming hindi napagkakasunduan, so paano pa kapag nagkaligawan na kami?" paliwanag ni Nikki.

Nikki is pursuing her first love—singing. One of the three Asian singers asked to record the Asian release of the song "Breaking Free" from High School Musical, Nikki is once more requested to do the Asian release of a song sa High School Musical 2, ang "Gotta Go My Own Way".

Nikki is also taking up AB Literature at the Ateneo de Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN